Tanong ko lang po kung paano tanggalin yung aircon vents ng '97 Hilander, gusto ko sana palitan kasi sira na yung adjustment ng air direction, kaya lang parang 'di matanggal from the front eh.
Ang duda ko, baka kailangan tanggalin yung entire dashboard assembly.
May pointers po ba on how to take the dash apart? Thanks po in advance.
yung gilid non, sikwatin mo evenly, apat yung na rectangle, matatanggal yan, di na kailangan tanggalin buong dashboard . kaya lang ,yung akin wala rin nangyari dahil yung guide nya may pigtas na. kaya ginawa ko permanente na, dinikitan ko ng epoxy. minsan tinatanggal ko para linisin ng tubig.
same thing happen to me/ XUV engot yung nag detail na pigtas yung vents. madali lang tangalin use a flat screw driver balot mo sa basahan. dikitan mo nalang ng might bond.
Any flat and very slim metal na kaya makapasok sa side ng aircon vents pwede gamitin pangtanggal. Den dahan dahan lang i angat ng pakonti-konti towards you.
About naman sa price ng aircon vents, nakapagtanong ako before sa casa. By order daw worth 1.2k each. Pero nakabili ako sa capalangan apalit pampanga worth 150 pesos each lang.. Sulit na rin ang pagpunta ko dun kahit papaano lalo na kung 4pcs ang kailangan palitan..