Mga bro, help po. Napansin ko kasi may mga "white spots" yung dashboard ko pati na din sa mga upuan (Leather Cover). Sa totoo lang, hindi ko siya masyado ginagamit. Siguro mga 2 to 3 times ko lang siya gamitin sa isang buwan kasi may iba pa akong pang service. Pinatingnan ko ito sa mekaniko ko na may alam din sa detailing, sabi niya baka "inaamag" daw ang mga upuan ng sasakyan, akala nga niya binaha ang car ko e. Chineck ko po kung may mga pagkain na naiwan sa loob (Candy, Sitseria Etc.) pero wala naman akong nakita.
Question:
1. Possible po ba na amagin ang mga upuan despite na hindi siya masyado ginagamit?
baka naka bukas yung fresh air intake ng aircon mo..yung switch sa aircon na may arrow papasok sa vent..or may bintana na nakabukas and may naiwan na payong sa basa or may tulo sa loob ng car
try mong "ibilad" sa araw with the windows half open once a week yung oto. humid ang bansa natin, so normal yung mold growths.
alternatively, puede mong i-purge ng high levels ng "nitrogen" ang oto para mamatay ang molds (except the mold spores).
ang cheapest na source ng nitrogen ay ammonia... kung magiiwan ka ng bukas na container ng ammonia... magbe-vaporize yun and degrade to Hydrogen and Nitrogen. Kung nakasara ang oto mo... mae-expose sa Nitrogen ang molds at hindi sila makakahinga...eventually dying.
yun nga lang, pagbukas ng oto, maiiwan pa saglit ang matapang na amoy nung ammonia...
Bukas mo lang ng konti iyong bintana . Pag tagulan madalas mangyari iyan nakukulob iyong hangin sa loob .Kung may Armor All ka leather care pahiran mo na lang para mawala iyong amag at lumambot iyong leather cover .
Salamat po sir sa mga reply niyo. Additional question lang po, paano po kung may amag sa upuan, makukuha po ba ng vacuum yun o huhugasan ang upuan (Babasain ng water) o pano po. Noob lang po ako pasensya.