New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 38

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    151
    #1
    Hindi kaya ng LTO, Nagpadulas pa ako ng 100 pesos para lang maprocess yun papers.

    Actually, ayaw. Meron ako kasi collection ng tape stencils ayaw na nila tanggapin na!

    As much as possible ayaw ko makurakutan ng pera kahit 100 pesos lang. Sa dami ng hyundai sa pilipinas baka naka porsche na yan LTO person na taga approve ng requirments.

    How do you go about this? From casa to LTO.

    Thanks!

    And for reference hindi kaya ng LTO kunan ng stencils na alam ko are the ff:
    hyundai matrix
    hyundai vera cruz

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #2
    bakit hindi kaya? hindi abot?

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    151
    #3
    Masikip. Hindi abot. Maliit na ang kanyang pencil, ayaw pa bumawi sa peformance. Pwede naman sya sumuot sa ilalim.

  4. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #4
    Saang LTO yan?

  5. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    151
    #5
    Pasig.

    Encountered this problem na in cubao pumayag naman sa tape stencil na provided ng casa, last year payag din sa pasig.

    Now ayaw - pumunta daw kami sa casa etc. etc. etc. na ang kwento. Sana magka LBM na nagtutubig sya ng isang buwan sa pag bili ng meryenda na gamit ang 100 pesos ko.

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #6
    so ibig sabihin ayaw na nilang tanggapin yung tape stencil form casa.
    ang gusto nila, sila ang gagawa, nung stenciling & then bigyan mo sila ng P100.

    ganun ba?

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #7
    parang binigyan na nang 100 tapos hindi pa din nakuha.. kaya sa casa pinapakuha yung stencil..

    ang mahal naman kasi nang stencil dyan 100? sa LTO Shaw, bente lang inaabot ko..

  8. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    151
    #8
    Oo. Ayaw na tanggapin yun tape stencil na galing casa. Kaso hindi naman nila kaya istencil.

    So walang stencil - in the end nagbayad na lang ng 100. para maprocess without stencil yun registration.

    Ang gusto nila is kumuha daw ng papel sa kanila. tapos ipastencil gamit ang papel sa casa.

    And mukhang impossible din naman na kayanin ng paper pencil combo ang stencil. ibang klase ang engine number ng hyundai. puro small dots mukhang di lalabas sa paper stencil.

    BTW, engine lang ang hindi kaya ng LTO. meron ako chassis stencil.

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #9
    kinukuha ba pati engine? yung last time ko chasis stencil lang kinuha..

  10. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    151
    #10
    I have a chassis stencil yun nga lang blank ang engine stencil. ayaw tanggapain yun tape stencil eh.

    Kaya nag padulas nga ako ng 100 para ma iprocess yun registration. kasi kung walang engine number walang registration.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #11
    sa east avenue tinatakbuhan ang hyundai ng mga stencil boys, kahit sabihin mo P100 ayaw nila hahaha.

    gawin nyo yung last oil change nyo before due ng lto renewal e kumuha na kayo ng form sa lto. tapos pag oil change e ipababa nyo yung cover sa ilalim at kumuha na kayo ng stencil.

  12. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    23
    #12
    This is true. Isa pang mahirap yung sa tucson (starting 2010 model). Mukhang kailangan baklasin yung front grill para lang makuha yung engine number. Chassis no. hindi problema kasi nasa ibaba lang ng passenger seat ito.

  13. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    81
    #13
    kahit gano kahirap pa yan dapat may tools ang gobyerno natin at hindi puro padulas nalang at tayo pa dumidiskarte kung pano...

    hindi natin kasalanan kung mahirap kunan ng stencil, problema nila yon...

    simula panahon ng kastila inaapi na tayo ng gobyerno, hangang ngayon 2012 pumapayag pa din tayo apihin... hayzzz

  14. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,283
    #14
    Kasi naman, sa Pilipinas na lang uso yang stencil ng chassis/engine number, sa ibang bansa basta nakapasok yan sa file nila eh renew ka na lang every year.

  15. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    2,320
    #15
    Quote Originally Posted by ronw123w124 View Post
    Kasi naman, sa Pilipinas na lang uso yang stencil ng chassis/engine number, sa ibang bansa basta nakapasok yan sa file nila eh renew ka na lang every year.
    Per my experience, di na kailangan ang stencils nakapasok na yan sa database. Kakatapos ko lang magrenew last 2 weeks ago at sinabi sa akin na di na kailangan stencil talaga dahil naka input na ito sa database. All you need to present is OR/CR and photocopies.

  16. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #16
    actually kahit sa 2 vios namin, walang stencil ng engine number.

    nilalagyan lang ng shade ng pencil yung form ok na. lto makati ganito

  17. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    7
    #17
    sa totoo lang mahirap mag stencil ng korean cars madami po bibabaklas jan mag mula sa airfilter ,battery and hoses minsan tapos mainit pa makina and ang mahirap pa sa papel na nila gusto kaya no choice kung d magpadulas o try mo mag pa stencil sa mga casa mababa na 500 to 1000 singilin nila and kung maasikaso nila agad dahil nga mahirap stencil yan inshort marami binabaklas bago ma stencil and mag antay ka pag malamig na makina hope nakatulong ako fyi

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #18
    yung ibang LTO hindi maselan sa stencil ... basta meron bumakat konting letra/numero sa scotch tape pwede na


  19. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,531
    #19
    dagdag natin mga hyundai vehicles na mahirap stencil
    grand starex
    santa fe
    starex grx
    nung nagpa stencil ako walang gusto umistencil sa santa fe ko hahahaha. nagpadulas ako ng 100 pero ayaw parin, may humingi 200 pero hindi naman malinaw, tapos ayaw pa tanggapin sa lto espana, kailangan daw dalhin pa sa lto binan laguna(dun kasi last registration). wtf!!!!!!! so dinala ko pa sa binan, ang tagal tagal pa nung inistencilan. tagatak na pawis nung nag stencil pero hindi talaga makuha, inabot kami ng 3 hours. kaya nga nung nakakuha nako ng matinong stencil nagpasobra ako ng ilan just in case.

  20. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    35
    #20
    Quote Originally Posted by kinyo View Post
    yung ibang LTO hindi maselan sa stencil ... basta meron bumakat konting letra/numero sa scotch tape pwede na

    oonga, na-experience ko yung LTO, kinakaskas lang sa bato yng papel para kunwari may stencil!

Page 1 of 2 12 LastLast
Problem on LTO Engine steciling for Hyundai cars