Patulong sana mga bro. Gusto ko lang malaman kung ano possibleng sira nitong SVX sa bahay. Gawa ng pag baba ko ng Baguio napansin ko kapag mag downshift ako to 4th gear from 5th, eh halos ayaw pumasok ng kambyo at tutunog pa ang gears before pumasok. Pansin ko rin siya lalo na pag medyo may kabilisan pa ang takbo ko.. nag ddownshift lang kapag overtake. nag ttry ako mag double clutch, nababawasan pero di pa rin nawawala.

Dinala sa mekaniko thingking na baka hindi lang naitutulak ng maige ang piston so ang palit ng repair kit ng master. Kaso ganun pa rin.

Ito napansin ko:

1. sa full stop lahat ng gears pumapasok maliban lang sa 4th.
2. hindi nakatulong yung pag palit ng clutch master.
3. kapag mabagal na ang takbo or menor ko di siya tutunog pero pag mabilis ang takbo doon ko napapansin yung pag ingay before pumasok.

Patulong po sana para may idea ako kung ano sira. Salamat.