Results 1 to 6 of 6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2013
- Posts
- 37
January 31st, 2014 07:15 PM #1Good day mga masters.
Questions lang po, nagkacheck engine po Honda FIt 2002 AT GD (Japan) ko. At TPS ang sinabi ng sensor.
Na drive ko pa yung oto ng mga 2k KM bago ko pinalitan yung TPS ko.
Nung hindi ko pa pinapalitan yung TPS, ang RPM ko usually naglalaro lang sa 1.5k to 2.5k at medyo mahina humatak.
Pero kanina pinapalitan ko na yung TPS, nawala yung check engine light. Pero napansin ko na tumaas ang RPM ko mga 3k-4k mga 80-90kph. Di ko pa kasi nasusubukan sa NLEX pero mamaya susubukan ko.
Ang napnsin ko lang, tumaas ang RPM ko at lumakas yung hatak. Mas madali from 0kph to 80kph ng ilang segundo lang.
Pero walang nagbago sa tapak ko sa gasolina, parehas lang din nung hindi pa ako nagpapalit ng TPS.
Ang question ko, normal po ba ito after replacing TPS? kasi tumaas ang RPM ko hindi po ba masama sa engine yun? at mas malakas po ba sa gas kapag mas mataas sa RPM?
Pero parehas lang po ng tapak sa gasolina, parang mas naging responsive sya at lumakas humatak.
Sa tingin ko, yung D at S ay parang walang pinagkaiba ngayon.
Salamat po sa sasagot
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2012
- Posts
- 4,851
January 31st, 2014 07:23 PM #2bro. malakas sa gas yan... tapos not good sa engine since 3-4k siya always... normal idle is at .750 to .850 depende yan... have it check sA suking shop or pa adjust mo pero i dont know how, maybe it needs laptop for obd2 scanner...
Sent from my iPad using Tsikot Forums
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2013
- Posts
- 37
January 31st, 2014 07:37 PM #3Normal po ang Idle ko, 500 - 750.
Nagiging 3k-4k po sya kapag tapak sa gas, lumakas hatak saglit lang 0-100kph.
Pero kasi dati, nung may problem ang TPS ko, halos di sya lumalagpas ng 2.5k, medyo matagal nya makuha 80kph.
Pero pareho lang din po ng tapak sa gas. Ibig sabihin ba ng RPM high fuel consumption din? pero susubkan ko muna idrive ng mga ilang hundred KMs. kapag bumagsak fuel consumption ko, saka ko nalang dadalin sa mekaniko.
Or baka naninibago lang ako, dahil sobrang delay dati ang response kahit itodo ko tapak sa gas.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2012
- Posts
- 4,851
January 31st, 2014 07:41 PM #4possible na naninubago ka lang... dapat alalay siguro sa pag apak kung yung rpm mo naman is nag dedepende sa pag apak mo eh huwag muna pa abotin ng 3-4k... 2k-2.5k n shishift na yata yan... and it should save your fuel...
Sent from my iPad using Tsikot Forums
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2013
- Posts
- 37
January 31st, 2014 07:48 PM #5Todo alalay talaga ako sa pag apak sa gas. As in konting konti lang apak
Baka epekto nga ito nung naayos yung TPS. Sana lang hindi nagbago fuel consumption ko, mahilig pa naman kami mamasyal hehe
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2013
- Posts
- 37
February 2nd, 2014 02:10 AM #6Confirmed, lumakas nga sya sa gas. tumaas ng 20% fuel consumption ko. pero malakas humatak talaga. Dalhin ko naalng sa mekaniko bukas, baka may kailangan lang i adjust, kahit konting tapak kasi sa gas, bilis tumaas ng RPM ko.
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant