New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #1
    Nag-ooverheat ung honda vti '96 ko at pinagawa ko na sa mekaniko. Nagpalit na ako ng cylinder head gasket, timing belt, valve cover gasket, etc. Napareface na rin ung cylinder head at 3x daw isinalang at malaki kinain sa torno. Ang kaso, hindi pa rin nawala overheating, lumakas pa consumption ng gasoline at hindi maganda combustion ng car. Ang ginawa ng mekaniko, nag double gasket kami dahil manipis na raw ung cylinder head. Pero ganun pa rin ung temperature. Ang gusto ngaun ng mekaniko is ireplace na ung cylinder head dahil manipis na nga at kahit ano gawin hindi raw ma-totono makina unless mareplace na talaga.

    Any suggestion kung saan makakabili ng surplus na Cylinder Head ng Honda Civic Vti '96? Magkano kaya ang surplus? Magkano rin ung brand new para may comparison ako. Sana merong mabilihan ng mura lang. Malaki na rin kasi inabot sa gastos ko.

  2. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #2
    Pangit ng internet connection, nag double post tuloy. Mga moderators, paki delete na lang po ito. Sorry.....

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #3
    baka hindi cylinder head problem yan.
    maghanap pa kayo ng ibang sanhi ng overheat.
    to state the obvious, i'd test the auxiliary fans. i'd look for leaks.. i'd have a proper engine tune-up.
    and i'd replace my mechanic.

  4. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #4
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    baka hindi cylinder head problem yan.
    maghanap pa kayo ng ibang sanhi ng overheat.
    to state the obvious, i'd test the auxiliary fans. i'd look for leaks.. i'd have a proper engine tune-up.
    and i'd replace my mechanic.
    Newly overhauled na radiators and don't have leaks sa cooling system. Bumili na rin ako ng new auxillary fan motor pero no effect pa rin. Maganda takbo ng engine on idle pero pag medyo high rev na dun mararamdaman ung combustion na hindi maganda. New na rin radiator cap. Nung natorno kasi ung Cylinder head medyo makapal nabawas kaya need na raw ireplace.

    Any suggestion where to buy Cylinder Head? Ung mura lang.

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #5
    kamusta naman ang engine block. baka may mga scales na kaya hindi maganda ang heat conduction from the engine block to the coolant.

    kamusta naman ang water pump at thermostat?

  6. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    38
    #6
    pwdeng may ibang problema pa yan.check your water pump,radiator,thermostat, possible worn host...theres a lot of things to consider...

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #7
    baka nga sobra ang na bawas sa head, kaya tumaas ang compression ratio ng engine mo which results to more heat. what is the symptom of overheat nayon?

  8. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #8
    Quote Originally Posted by meledson View Post
    kamusta naman ang engine block. baka may mga scales na kaya hindi maganda ang heat conduction from the engine block to the coolant.

    kamusta naman ang water pump at thermostat?
    Ok naman sir ung water pump. Wala na rin nakalagay na thermostat. Nirekta na rin namin ung auxillary fan para deretso andar.

  9. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #9
    Quote Originally Posted by ARB View Post
    baka nga sobra ang na bawas sa head, kaya tumaas ang compression ratio ng engine mo which results to more heat. what is the symptom of overheat nayon?
    Eto na nga sir ang sinasabi ng mekaniko; dahil sa sobrang kapal nabawas during pagtorno, naka 3x na isinalang kaya parang medyo tumukod na. Ung compression ratio tumaas. Hindi ramdam pag naka idle ang andar dahil maganda combustion pero pag naka rev up na hindi maganda tono ng andar.

    Uulitin ko po, wala leaks sa radiator and hoses; mga 2 months pa lang nalinis ung radiator; working po ung water pump dahil kasama sa nabaklas un nung pinalitan ng timing belt and tensioner kaya nakita ung pump; bago na rin ung auxillary fan (nakarekta pa rin fan para deretso andar temporarily).

    What I need right now is kung saan ako makakabili ng surplus na cylinder head na mura. Magkano rin kaya un?

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #10
    OT ng konti.

    nagpalit ako ng cylinder head sa 2001 Altis namin. 29K ang surplus cylinder head, pero nakabili kami sa Alabang Parts ng brand new for 39K. Share ko lang para may idea kung gaano kasakit sa bulsa.

  11. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,283
    #11
    Nakarami na rin kami ng palit ng cylinder head sa mga service cars sa office, puro Toyota 2E naman sa amin, 14k yata ngayon ang brand new sa Banawe. Just this week we also had to replace the cylinder head of a 2L engine from a Hiace, may crack na rin kasi yung cylinder head nung mapa-hydrotest.

  12. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #12
    Quote Originally Posted by ronw123w124 View Post
    Nakarami na rin kami ng palit ng cylinder head sa mga service cars sa office, puro Toyota 2E naman sa amin, 14k yata ngayon ang brand new sa Banawe. Just this week we also had to replace the cylinder head of a 2L engine from a Hiace, may crack na rin kasi yung cylinder head nung mapa-hydrotest.
    Brand new sir ung 14K? Or baka surplus?

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #13
    kung surplus cylinder head, better have it pass a crack (?) test to verify na ok na ok pa. around 1,500 yata ang test na ito. para ma verify na walang cracks at hindi warped ang nabiling cylinder head.

  14. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #14
    Quote Originally Posted by meledson View Post
    OT ng konti.

    nagpalit ako ng cylinder head sa 2001 Altis namin. 29K ang surplus cylinder head, pero nakabili kami sa Alabang Parts ng brand new for 39K. Share ko lang para may idea kung gaano kasakit sa bulsa.
    Napalunok ako dun sa presyo... Ang aga nyo naman sir nagpalit ng cylinder head, ano naging problema bakit nagpalit kayo?

  15. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #15
    Quote Originally Posted by advatech View Post
    Napalunok ako dun sa presyo... Ang aga nyo naman sir nagpalit ng cylinder head, ano naging problema bakit nagpalit kayo?
    nag sludge ang oil. dahil sa kulang ng lubrication, na damage ang iniikutan ng exhaust cam shaft.

    ito ang sakit ng makina ng altis.

  16. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #16
    mura lang ang cylinder head ng honda 96. try to check sa honda club philippines and other sites like pyeza, sulit, ayosdito. last time i checked 4k lang ang cylinder head na vtec from 1 seller sa hcp. give or take sabhin na natin asa mga 5 to 6k lang yan. yung 4k murang mura na yun. try mo to bro, ikot ka evangelista or banawe, tawaran mo ng 4k-5k cylinder head nila... bibigay yan. good luck sir!

  17. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #17
    Sana nga sir nasa 4k lang. Meron kasi ako natawagan 10k daw surplusan sa blumentritt.
    Meron din ako nakita sa sulit pero ikinocompare nya presyo nya sa banawe kaya mataas pa rin.
    Try ko dumaan sa evangelista and hopefully meron makuhanan na mura.
    Thanks

  18. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #18
    sige sir balitaan mo kame para may reference din kme

  19. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #19
    Nakabili na ako ng Cylinder Head from one HCP member and it cost 3500 lang. naka 70000 km lang ung head bago siya nagpalit and looks sariwa pa. Nagpalit lang siya ng D15b head dahil gusto nya ng additional power.

    Nagtry din ako tumingin sa evangelista and the head costs 10k to 12k. Hindi ka pa sigurado sa head dahil galing tambakan lang and parang gagastos ka pa ng malaki for the reface and parang maninipis na rin.

    Ang problem ko lang, wag tayo magtitiwala sa mga mekaniko na individual lang. Ung nakuha kong mekaniko came from this forum and nung 2x na siya nagbaklas ng head ko dahil hindi mapatino ung overheating, he is charging me another labor fee para sa replacement ng cylinder head. nung pinagpilitan ko na sinabi nya about 3 mo. warranty, ayun bigla iniwan car ko na nabaklas na.

    WAG po magtitiwala sa warranty na ibibigay nila tapos hindi rin naman magagawa kotse. Ingat mga kapatid sa mga individual lang. Much better na magpagawa sa mga shops para meron ka receipt na pwede ibuwelta sa kanila if ever hindi mapatino. Taga Sta. Rosa ung mechanic. PM nyo na lang ako pag magpapagawa kayo sa laguna para maiwasan nyo mga balasubas na ito.

  20. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,099
    #20
    unless nagkanda overheat yung typical na honda engine hindi naman sirain mga cylinder heads nito. hindi lang basta isang overheat, dapat maraming beses.

    palitan mo na din yung engine thermostat mo. baka sira na at lagi naka off kaya nagooverheat ka.

    tandaan, pag sobrang taas (kasi double gasket) or sobrang baba (kasi sobrang shaved) ang lapat ng headgasket, magkaka problema talaga. kasi yung valves either tumatama na piston (sobrang baba) or hindi naseseal yung piston (sobrang taas).

    as with most newer cars today, precision ang kelangan sa pag repair, hindi talent. ang pagpihit ng turnilyo pagsikip ng head, may measurement... too loose, overheat ka, too tight, overheat ka din. ultimo sequence ng pagsikip, di-numero sa honda. ganito rin experience ko sa pagpalit ng mga oil pan gasket.

    first time i ever heard na nag double gasket sa honda, though. hindi tamaraw FX yan, hahaha!

    next time, dalhin sa specialist. wag magtiwala sa mekaniko na freelance (kahit pa galing sa casa... minsan tanga din mga yun kaya na terminate ng casa eh).
    Last edited by voltscastillo; June 13th, 2010 at 01:42 PM.

Page 1 of 2 12 LastLast
Replace of Cylinder Head to prevent overheating