
Originally Posted by
sirhc77
sir i own accord exi a/t 95,4 months palang sakin,maganda talaga ang accord sir kaya lang talagang mahal ang maintenance at mga spare parts nya,kaya kung bibili kayo kailangan talaga ay may kasama kayo na mekaniko para hindi kayo magsisi sa huli,sa a/t po importante ang transmission nya kung ok pa kasi malaki gastos po pag transmission ang sira.pero kung wala kayo kasama mekaniko,check nyo po ang mga importante tulad ng sumusunod,hindi po ako expert sa honda,pero madalas lang ako magbasa ng mga threads dito marami na din ako natutunan at na experience sa accord ko,sana ay makatulong ako sa pagbili nyo ng accord.
1.sabi nyo 130k na ang odometer,dapat sir nagpalit na ng timing belt ang may ari nun kasi every 80k po dapat pinapalitan yung timing belt at mga water pump at mga oil seal nito,kasi kung hindi pa at nagdesisyon kayo na bilhin ang car,sa inyo aabutan ang sira nun at malaki halaga po ang gastos nyo don,less than 10k po kung sakali.
2.sa makina naman po sir importante na wala po tagas ang makina o kaya yung sa radiator kasi mga symptoms po yun na blown cylinder head gasket kung sakali
3.saka yung pang ilalim po kung madadala nyomsa shop na maitataas ang car para makita nyo ang pang ilalim kung bulok na kc yung sakin hindi tiningnan ng kasama ko mechanic yung ilalim yun pala bulok na ang running board nya,saka dapat po wala kalampag,masarap po sakyan ang accord kahit sa bukol bukol na daan hindi sya matagtag,kaya hindi po kayo magsisi kung ma acquire nyo ang car,pero dapat po ma check nyo ang importante,base lang po ito sa experience ko marami pa po expert ang mag share sa inyo