New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 15 of 15
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    68
    #1
    Hi mga bro,

    I am thinking of purchasing a civic 2001 model. Mileage is around 70-80k na. Matipid po ba siya kasi nakita ko naka-muffler na, hindi na stock? Any major problems na na-encounter nyo sa civic o na dapat tingnan ko in checking the unit.

    Main concern:
    1. Fuel consumption
    2. Reliability

    budget is around 300-400k kasi limited budget to get the new fd civic.

    Specs of the civic na tinitingnan ko:

    1600 vtec3 na siguro kasi 2001 dimension 3 body
    manual trans
    no engine mods
    k&N air filter
    muffler (yung malaki na exhauset pipe)
    stock mags
    stock HU
    leather seat
    HID
    makinis yung paint,no dent at alaga daw.
    75k mileage.

    pwede na ba sa 380k price


    maraming salamat....

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #2
    My brother has this particular model...if I were you I will haggle price down to 340k since manual tranny siya...check it's suspension and the ask for the repairs done...first owner?....ask also if the fuel tank was corrected (there is a recall order for this particular model)...good luck.

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    47
    #3
    Sir i have this model, check if nacorrect na yung TDC sensor. Yun yung bigla na lng titigil yung kotse for no particular reason. Happened to me once, cruising sa makati then bigla na lng namatay makina.

    Matipid sya for all i know, i do 10 - 11 km liter on my automatic civic 2001. Petron extra unleaded lng nilalagay ko.

  4. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    23
    #4
    sir, IMO, medyo mahal yang price na yan for an 01 model.

  5. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,099
    #5
    agree. medyo mahal. totoong HID ba or just bulbs na malakas (non projector, no ballast)? jologs ang HID kung walang projector. parang nilagyan ng pakpak yung kotse (what's it for?)

    leather seats, di ako mahilig jan. if it were me buying papatanggal ko yun di naman totoong leather yan. pagawa ako bago kasi ayoko maamoy yung pawis nung dating driver hehehe. pag pinatanggal mo baka sakali bumaba presyo.

    at manual tranny pa. the automatics are really nice, you know. kung di ka naman mahilig sa racing racing mag matic ka na, hindi nakakapagod at halos ganun din consumption sa gas.

    i would probably pay 340 for it. anything more and i'd just get a really fresh matic 03 or 04 model for 400T. or a well maintained 00 CRV for 410T.

  6. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #6
    di ko gusto model na yan. parang pangmatanda (matanda ako) hehe

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    68
    #7
    Uhm, kita ko nga sa range ng price ng iba. nasa 300-350k lang.

    Gusto ko sana manual para mas matipid at may spirited driving. Puro automatic na kasi sasakyan namin para maiba naman. Nakakainip pauwi nueva ecija kapag matic..

    HID niya is the chine one. will check the car on saturday para ma-inspect na din yung TDC sensor,upuan at suspension. Mahal pa naman pagawa ng honda.


    kung 8-10km per liter. ok na din.

    Ok din sana automatic para magamit ng wife ko kaso sluggish acceleration niya at panigurado lalakas sa fuel consumption.

    May alam ba kayo na ok na pagawaan ng honda besides casa. like where to buy parts. I know toyota, madaming parts sa banawe. salamat po sa mga reply niyo..

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,099
    #8
    basta tawad to the max. kaya mahal yan kasi dun sa mga ek-ek na nakalagay. kung ayaw, wag mo na kunin... madaming civic ES sa market magsasawa ka.

    75k na mileage nyan, at 80k palit timing belt, waterpump at mga tensioners ng timing belt. sa older civics 8,000 na yun, ewan ko lang kung magkano sa model na yan.

    if i were in the market for a civic like your prospect unit, i will at least look for a '03, with the new wheel rim design and front foglamps. eto yung mga totoong 380-410k.

    if you do get your prospect unit, pa changeoil mo agad sa casa 875 petot lang naman sa casa. the reason for this is that may libreng checkup sa casa. have the service advisor note down anything na maobserbahan na problema sa kotse mo. yung mga makita nila, yun ang pagawa mo sa labas para mura lang.

  9. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    23
    #9
    nag check din ako sa buy and sell nasa 300 - 340 nga ang price range. I agree with sir voltscastillo regarding the HID. Kung di ka lang naka projector e sabog din ang buga nakakaabala pa sa mga kasalubong mo na kotse.

    yung mga add-ons, shouldn't matter that much unless mga mamahaling rims yung nakasalpak, high end sound system, etc...

    medyo dapat busisiin mo talaga yung car kasi di mo alam yung history. kung may kilala kang mekaniko, isama mo nalang pag titignan mo yung car. yung ibang kilala ko bumili ng kotse kasi ang kinis daw... di manlang nacheck ng maige ang under chassis at engine... para kang nagkaasawa ng magandang babae pero masama ang ugali

  10. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,099
    #10
    Quote Originally Posted by kerri View Post
    medyo dapat busisiin mo talaga yung car kasi di mo alam yung history. kung may kilala kang mekaniko, isama mo nalang pag titignan mo yung car. yung ibang kilala ko bumili ng kotse kasi ang kinis daw... di manlang nacheck ng maige ang under chassis at engine... para kang nagkaasawa ng magandang babae pero masama ang ugali
    i like how you put that, hahaha

    it's true what they say na medyo kalampagin ang honda. i've owned 4 na and at some point in the first 5 years of ownership mo, may lalabas na kalampag talaga. dati hindi ako naniniwala, pero ngayon, well...

    daig pa nung 99 corolla ni misis lahat ng naging honda ko... 99 model araw araw din ginagamit pero wala pang kalampag.

    kalampag at aircon... yan ang pirming problema.

    pero engine, styling, ride comfort (pag walang kalampag) at space, wala ako masabi. dito siguro nappunta yung premium pricing ng honda. tipid din sa gas kahit luma na.

  11. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    158
    #11
    Expensive! Im sure you can buy one for about 280k. Hanap ka lang.

  12. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    68
    #12
    okay sir kerri... hehe! nice one..

    checked the car this past weeked. find out that it has coil over (di ba ito yung pwede adjust suspension) ok naman siya. interior and exterior. checked yung rust proof at ok pa. at mabango yung loob. walang amoy na lumlom o iba pa man.

    di ko masyado na-test kasi subdivision at maganda daan. I wonder lang kung ok ba naka-coilover na suspension? sa ride quality mas ok ba siya compara sa stock? car was used sa carshow acccording sa may-ari kaya nung may mataas na humps. pasyete ang style. pwede po naman ito itaas kung sakali di ba? pasensiya na. di ko gaano alam mga ganito.

    one more thing po. bakit parang medyo mahina hatak niya. talaga bang ganun vtec3. nasa 1.5k-2k rpm ko lang siya pinatakbo.

    kung sakali ba, mas ok po ba vtec3 compare sa lumang 1998-2000 vtec in terms of maintenance, power and fuel consumption?

    sorry at dami ko tanong. hirap kasi basta 2nd hand. dapat lahat check mabuti at makibalita... baka mapukpok ulo pagkabili...

    salamat sa mga tips at opinyon..

  13. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,099
    #13
    mahina ang hatak is relative... sa vti-s ko masaya nako sa hatak, but if you compare it to a say, cefiro v6... mahina talaga.

    if you can really feel na parang lumang diesel sya humatak from 0-50 coming from a standstill, well, maraming dahilan yan. pwedeng laspag na sa racing, mabigat yung rims at goma, mali o masyadong malaki yung diameter ng headers nya kaya walang power sa bottom end, or simply kulang lang sa tono.

    malutong ang tunog ng mga honda engine pag bago at maayos pa.

    carshow... hmm, there's nothing terribly unique abt a civic with coilovers and i/h/e... wag masyado padala sa salestalk.

    pero if you really want it, well, go for it .

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    68
    #14
    voltscastillo: sir salamat sa mga advices pati sa mga tsikoteers...

    mga bossing: saan pala pwede magpalinis ng mga TDC sensors, throttle body. Worry kasi ako sa ganito about sa bibilin ko na car. wala kasi service record eh.

    May alam ba kayo na pwede avail yung mga ganun services? baka may alam po kayo na shop na ok para sa honda o kaya casa na ok. kung alam nyo po price for TDC sensor (replacement), cleaning ng mga sensors at throttle body. Engine belt replacement at timing belt. paki-share naman po. May nabasa kasi ako na thread dito sa tsikot na kapag tdc sensor bigla na lang lose power engine mo kaya balak ko patingnan na din o kaya palinis.

    Medyo budgeted kasi mga bossing kaya survey na din ako para makapaghanda.

  15. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #15
    may 280k na po ba na 2001 model? totoo po ba to?

Buying 2001 Civic Advice please...