We just bought a 2nd hand honda ESI 95, and i'm a newbie on cars. . My problem is on the dashboard. Meron kasi akong napapansin na yellow icon na madalang lang lumabas, tapos pansin ko rin na lumalabas lang sya pag mabilis ang andar ko at pag pinatay ko na ung makina at binuksan ulit, mawawala na sya. Akala ko nung una radiator sya so pina overhaul ko ung radiator pero andun parin sya.
Para saan po kya yun?
Help naman po. Tnx.
Last edited by GianKirby; May 19th, 2009 at 05:09 PM.
Reason: wrong sentence
Any decent talyer na may car electrician na marunong mag-jump ng wires sa ECU will do. Para malaman kung anong CEL (Check Engine Light) code ang ibabato. Or better yet, find a shop na may OBD scanner. Pag nalaman na kasi yung code, madaling ma-solve yung problema, wala nang guesswork.
Tanungin mo muna kung marunong mag-jump ng wire ng CEL. Kung yung expression ng mukha niya eh parang "Ano bang pinagsasabi mo?!", naku, mag-paalam ka na. Baka lalong masira yung kotse mo. Kung wala kang makita, casa ka na lang.
Hehehe. Salamat. Cge subukan ko muna yung mga dito sa amin, tapos try kong itanong yun.
Another question, Meron ba tong kinalaman sa Speedometer or Engine sa lang ba talaga? Kasi nung nabili ko tong oto ko, di ko napansin na sira yung Speedmeter, zero lng palagi di sya umaakyat kahit anong tapak ko sa pedal.
Maraming salamat, bilis talagang makakuha ng response dito sa tsikot.