New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #1
    Good day mga masters.
    Questions lang po, nagkacheck engine po Honda FIt 2002 AT GD (Japan) ko. At TPS ang sinabi ng sensor.
    Na drive ko pa yung oto ng mga 2k KM bago ko pinalitan yung TPS ko.
    Nung hindi ko pa pinapalitan yung TPS, ang RPM ko usually naglalaro lang sa 1.5k to 2.5k at medyo mahina humatak.

    Pero kanina pinapalitan ko na yung TPS, nawala yung check engine light. Pero napansin ko na tumaas ang RPM ko mga 3k-4k mga 80-90kph. Di ko pa kasi nasusubukan sa NLEX pero mamaya susubukan ko.

    Ang napnsin ko lang, tumaas ang RPM ko at lumakas yung hatak. Mas madali from 0kph to 80kph ng ilang segundo lang.

    Pero walang nagbago sa tapak ko sa gasolina, parehas lang din nung hindi pa ako nagpapalit ng TPS.

    Ang question ko, normal po ba ito after replacing TPS? kasi tumaas ang RPM ko hindi po ba masama sa engine yun? at mas malakas po ba sa gas kapag mas mataas sa RPM?

    Pero parehas lang po ng tapak sa gasolina, parang mas naging responsive sya at lumakas humatak.
    Sa tingin ko, yung D at S ay parang walang pinagkaiba ngayon.

    Salamat po sa sasagot

  2. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    4,851
    #2
    bro. malakas sa gas yan... tapos not good sa engine since 3-4k siya always... normal idle is at .750 to .850 depende yan... have it check sA suking shop or pa adjust mo pero i dont know how, maybe it needs laptop for obd2 scanner...



    Sent from my iPad using Tsikot Forums

  3. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #3
    Quote Originally Posted by ray_noel View Post
    bro. malakas sa gas yan... tapos not good sa engine since 3-4k siya always... normal idle is at .750 to .850 depende yan... have it check sA suking shop or pa adjust mo pero i dont know how, maybe it needs laptop for obd2 scanner...



    Sent from my iPad using Tsikot Forums
    Normal po ang Idle ko, 500 - 750.
    Nagiging 3k-4k po sya kapag tapak sa gas, lumakas hatak saglit lang 0-100kph.
    Pero kasi dati, nung may problem ang TPS ko, halos di sya lumalagpas ng 2.5k, medyo matagal nya makuha 80kph.

    Pero pareho lang din po ng tapak sa gas. Ibig sabihin ba ng RPM high fuel consumption din? pero susubkan ko muna idrive ng mga ilang hundred KMs. kapag bumagsak fuel consumption ko, saka ko nalang dadalin sa mekaniko.

    Or baka naninibago lang ako, dahil sobrang delay dati ang response kahit itodo ko tapak sa gas.

  4. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    4,851
    #4
    possible na naninubago ka lang... dapat alalay siguro sa pag apak kung yung rpm mo naman is nag dedepende sa pag apak mo eh huwag muna pa abotin ng 3-4k... 2k-2.5k n shishift na yata yan... and it should save your fuel...


    Sent from my iPad using Tsikot Forums

  5. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #5
    Todo alalay talaga ako sa pag apak sa gas. As in konting konti lang apak
    Baka epekto nga ito nung naayos yung TPS. Sana lang hindi nagbago fuel consumption ko, mahilig pa naman kami mamasyal hehe

  6. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #6
    Confirmed, lumakas nga sya sa gas. tumaas ng 20% fuel consumption ko. pero malakas humatak talaga. Dalhin ko naalng sa mekaniko bukas, baka may kailangan lang i adjust, kahit konting tapak kasi sa gas, bilis tumaas ng RPM ko.

Tags for this Thread

Honda Fit High RPM after replacing Throttle Positioning Sensor (TPS)