Quote Originally Posted by wakaranay View Post
kaya nga po..nagagalit tatay ko bakit daw ang mahal. tsaka dpt daw kinuha ko ung langis pinagpalitan para nagamit pa sa motor. dpt ba sundin pa ung sa warranty? lugi kasi lalo di masyado nagagamit

It's up to you kung sa casa ka mag maintenance para sa warranty. Ako kasi hindi ako fan ng warranty na yan. Lalo ang Honda very reliable yan.
Wala pang 1 week mula nung nakuha ko yung kotse ko nagpakabit na ko ng sound system, dun palang void na yung warranty. Then nagpalit din ako ng intake, horn, exhaust (3 times pa), headers, head unit, lowering springs, seats, headlight retrofit etc. pero ni isang problema wala naman akong naranasan. Saka alam ko pahirapan din mag claim nyang warranty na yan, maiinis ka lang. Dahil hangga't kaya nila papatunayan nila na ikaw yung may mali kaya di nila ipapasok sa warranty yung complain mo.

Pero kung gusto mo padin sa casa, tulad nga ng sabi ni dr. d at kisshmet. Tanungin mo muna yung service advisor na kausap mo kung ano mga gagawin bago simulan. Para hindi mo ipagawa yung mga bagay na hindi naman kailangan talaga.