New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 38
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #1
    mga sir, hingi sana ako ng tulong sa inyo.

    tumataas kasi ang temperature ng car ko. honda civic vtec 99. kahit hindi nakabukas ang aircon tumataas siya. kapag naka-on naman ang aircon, mas mabilis tumaas. napansin ko, kapag nirereveolution ko ng hanggang 4-5k rpm, bigla naman siya bumababa at bumabalik sa gitna. pero after ilang minutes tumataas ulit. ano po kaya ang prospect sira nito?

    3 months ago, nakapagpalit na ako ng cylinder head gasket at valve seals. radiator ko bagong palit na rin at walang leak. 'yung radiator fan nirekta ko na.

    napansin ko rin, kapag mainit na yung makina, nag-hard starting ako. gainagawa ko, pinapalamig ko muna ng approximately 10mins. tapos nag sstart uli ng maayos.

    ano po ba ang kailangan ko i-check up bago ako gumastos ng malaki?

    thanks in advance peeps.

  2. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    234
    #2
    Check mo yung thermostat mo baka hindi na bumubukas ng todo - subukan mong tanggalin muna at obserbahan mo ulit.

    Or baka may damage na yung water pump mo at mahina na yung pag circulate ng coolant. - pero kung yung thermostat mo may topak hihina talaga ikot ng coolant.

    Or baka madumi lang yung cooling system mo - try mo mag radiator flush.

  3. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #3
    +1 on the thermostat. subukan mo munang ipatanggal (kahit hindi ka muna bumili baka mamaya ayos pa naman yung thermostat mo). kapag hindi ka na nag-overheat, bingo thermostat lang.

    pero kapag nag-overheat ka pa rin without the thermostat, better check kung may nagbabara. yung water pump kasi malalaman mo namang sira kung may tagas nang coolant sa engine or maririnig mo yung parang rattle sound nito.

  4. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #4
    maraming salamat "sleepsus" at "ben_david19".

    actually, i forgot to mention that it has no longer thermostat attached on it. nagpalit kasi ako ng thermo switch, tapos nung tinaggal namin pinacheck ko na rin yung thermostat. 'yun! dun ko nalaman na walang thermostat. at diretso na ang flow. 'yung thermostat, kapapalit ko lang din. so brand new na ang water pump ko, thermo switch kahit na nirekta ko muna yung fan para matest lang kung tataas pa. pero ganun pa din eh.

    after ko rin magpalit ng cylinder head gasket at valve seal, ilang months na ang lumipas at meron pa rin akong puting usok na lumalabas sa muffler. mukhang me langis sa tip ng muffler eh. related ba yun sa overheating ko?? possible po ba na piston rings, cylinder head gasket at valve seal ang tama?

    thanks in advance

  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #5
    thanks in advance
    Last edited by silikas; July 26th, 2010 at 04:59 PM. Reason: sorry admins... double post

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #6
    Subukan mo munang tanggalin takip ng radiator cap kapag malamig makina sa umaga at start mo makina at revved mo tignan mo kung sumusuka iyong tubig . Kapag luma;labas tubig niyan cylinder head gasket may problema riyan . Obserbahan mo muna . Sa umaga natural lang white smoke na lumalabas kapag uminit na makina mo mawawala na usok niyan. Iyong nababasa naman ng langis iyong tip ng muffler mo hindi magandang senyales na kumakain ng langis tignan mo iyong dipstick mo at obserbahan mo kung nagbabawas ito ng langis . Iyong cylinder head gasket na ipinalit mo kunin mo iyong oem hindi baleng mahal problema kasi doon sa mga replacement mura nga pero madaling masira kaya doble gastos sa labor at sakit sa ulo. Ang ibig sabihin lang niyan may problema pa rin sa cylinder head gasket at valve seal. Pa check mo rin kung may tama iyong cylinder surface nito .

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #7
    sige sir. gawin ko yan pag malamig na yung makina sa umaga. yung ibang tips mo obserbahan ko. tapos balitaan kita. thanks.

  8. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #8
    double post. sorry...
    Last edited by silikas; July 26th, 2010 at 06:58 PM. Reason: something wrong with my inet connection.

  9. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    234
    #9
    Quote Originally Posted by speed unlimited View Post
    Subukan mo munang tanggalin takip ng radiator cap kapag malamig makina sa umaga at start mo makina at revved mo tignan mo kung sumusuka iyong tubig . Kapag luma;labas tubig niyan cylinder head gasket may problema riyan.
    IMHO hindi ito indication ng cylinder head problems. It's normal.

    When you rev the engine the input volume flow of coolant increases and more coolant is pumped through. When the cap is on the increased flow creates more pressure and forces the coolant into the radiator's small tubes and out the lower hose and through the thermostat.

    With the radiator cap off, the coolant simply follows the path of least resistance and instead of getting forced into the radiator, it gets spit out when the cap is off.

  10. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #10
    Pacheck mo na din Cooling fan mo, baka sa kalumaan,mahina na ang ikot.

    baka kasi nirekta mo kaya ganun? kasi kapag na-achieve na ng makina ang tamang init, mag-on ang cooling fan mo sa speed#1...

    kapag naka-AC ka, kapag na-achieve na ng makina ang tamang init, speed#2 naman...

    pacheck mo na din...

  11. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,398
    #11
    nku bka cylinder head na mismo sir may crack. wag naman sana

  12. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #12
    Quote Originally Posted by lui View Post
    nku bka cylinder head na mismo sir may crack. wag naman sana
    Posible din, agree ako...kasi nangyari na sa akin dati yan sa dati kong sasakyan...

    Bago radiator,new coolant,good water pump at belt...Cooling fan, inalis na thermostat......

    ganun pa din...nag-overheat....

    kapag naka-idle, constant ang temp, medyo mataas nga lang pero di naman overheat...

    pero kapag itinakbo na, yan na, simula na umakyat temp...mas lalo na kapag binuksan ang AC....

    eventually, ng pinacheck ko ng masinsinan sa Mekaniko, una nyang hinipo ang mga hose.......matitigas ito at halos puputok na.....

    Check nya lahat pati thermostat,sinigurado nya na di ito barado....

    bottomnline, ang last source ng overheat ay ang cylinder na nga....me mga butas sa cylinder gasket at sa cylinder head na coroded na at barado....

    kaya need itong ibaba at ipareface at palit ng bagong gasket....

    just sharing lang mga good lovers....

  13. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #13
    actually, when we replaced the cylinder head gasket we had to reface the cylinder. para lumapat yung ikinabit gasket. dinouble check na rin nila at wala naman daw singaw or crack. ngayon plano ko dalin sa honda spa tandang sora for further checking. kasi parang sa palagay ko nacheck na namin lahat ng possible causes e. pero ganun pa rin. even electrical pinacheck ko na sa rey's marikina. ok na daw ang flow ng kuryente DC/AC.

    napakahirap i isolate talaga ng problem ko. mejo nagreresearch at nagtatanong na ako kasi yung mga naunang gastos ko eh mejo malaki na rin. kaya ayaw ko na maulit. gusto ko next time na ipagawa ko eh sureball na.

    thanks mga paps. kung meron pa po kayong feedback, please let me know po. mroe brains are better. in this way, makaka menos tayo ng gastos.

    thanks thanks

  14. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #14
    Quote Originally Posted by silikas View Post

    sum-up ko lang po 'yung mga nagawa na sa oto ko. model is honda civic vtec 99.

    1. replaced 1 row radiator to brass type. no more leaks whatsoever. overhauled and cleaned.
    2. replaced water pump
    3. replaced cylinder head gasket and valve seals
    4. no more thermostat attached
    5. replaced thermo switch, radiator fan directly connected for testing purposes
    6. all belts are intact and newly replaced (OEM)
    7. newly changed oil
    8. installed grounding kit for current stability
    9. cleaned throttle body
    10. spark plugs are good
    11. no leaks on cooling system (hose)

    kapag meron pa ko naisip idadagdag ko.
    12.

  15. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #15

    Baka kailangan mo na ng oversize na cylinder head gasket????

    Sa mga nabanggit mo kasi yan na lang ang duda ko...

    Yung iba nga nagdodoble ng cylinder head gasket..

  16. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #16
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    Baka kailangan mo na ng oversize na cylinder head gasket????

    Sa mga nabanggit mo kasi yan na lang ang duda ko...

    Yung iba nga nagdodoble ng cylinder head gasket..
    what do you mean by oversized gasket? ngayon lang po kasi ako naka-encounter nito. at kung dodoblehin, anong-effect nito? malamang di siya magfifit sa cylinder. di po ba? thanks

  17. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #17
    mga sir, just an update. i replaced my thermostat switch to an OEM and it fixed the overheating or rising of temp problem. yun lang pala!! hehe. pero, hard starting pa rin ako. na-check na yung starter ko ayos pa rin naman at malakas ang sipa. mukhang top overhaul na nga ah... tsk tsk

    kung meron po kayong ibang idea sa hard starting problem ko patulong na lang po. hard-starting lang naman po ako kapag mainit ang makina. thanks.

  18. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    139
    #18
    Quote Originally Posted by silikas View Post

    kung meron po kayong ibang idea sa hard starting problem ko patulong na lang po. hard-starting lang naman po ako kapag mainit ang makina. thanks.
    sir try mo pa check timing....maybe advance yan.tnx...

  19. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    23
    #19
    Quote Originally Posted by hyblaxx_24 View Post
    sir try mo pa check timing....maybe advance yan.tnx...
    thanks hyblaxx. tamang-tama magpapa-change oil at tune up na ko. tignan ko yung timing.

  20. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #20
    Quote Originally Posted by silikas View Post
    what do you mean by oversized gasket? ngayon lang po kasi ako naka-encounter nito. at kung dodoblehin, anong-effect nito? malamang di siya magfifit sa cylinder. di po ba? thanks
    You may check it with your mechanic for further clarification.

    Meron yang oversize cylinder head gasket.ibig sabihin nun, mas makapal sa standard....

Page 1 of 2 12 LastLast
tumataas ang temperature at hard starting kapag mainit ang makina.