New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 18
  1. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #1
    This is the second saturday na may kakaiba na nangyari sakin. Parking area ko dito sa may Fort Town Center so nagpark ako sa usual na spot ko tapos etong tamaraw fx ujn630 bigla nagpark katabi ko mukhang nagmamadali dahil ang bilis niya magpuwesto. Ayun pagbukas driver door niya POG! Nasa loob ako noon kaya binabaan ko kaagad. Nagsorry naman siya pero ang init ng ulo ko kasi ang lakas talaga. So tinignan ko at parang may gasgas sabi niya wala yan at kaya lang ng rubbing compound. So lalo uminit ulo ko sabi ko "WAIT SIR TIGNAN MUNA NATIN!" So kinuha ko ang microfiber ko pinunas ko ng pinunas. So walang nangyari sa paint pero may mini-mini-sobra-sobra-duper na parang dent kung titignan mo sa angle na parallel sa panel ay medyomedyo halata. So sinasabi ko na may dent. Ayaw naman niya maniwala kaya nagalit din siya. Tumawag na ako ng guard pero ayaw niya makipagmediate sabi lang niya pagusapan niya. Eh papaalis nanaman ang mama kaya kinaway ko na "COME OVER HERE SIR" tapos pinagkamalan niya na dinuduro ko daw siya. Kasama niya family niya at I think na dalawang anak. Sabi naman na asawa niya wala talaga sila makita kung tutuusin hindi talaga makikita ang micro dent sa mga angle nila. Sabi naman ng asawa niya kagawad siya at alam niya ang justice system and in Jesus name sabi niya. Ang reaction ko "AKO DIN ALAM KO DIN ANG JUSTICE SYSTEM" so mga carismatic people ito pero since naisip ko na nagsorry naman siya at parehas na kami'y galit ng galit at kasama pa niya family niya... nagdecide nalang ako na mag abot ng kamay at makipagkamayan nalang. Lagi niya sinasabi na nabigla lang siya kaya sinabi ko na... "Ok sige nabigla din ako sige ok na" at kinamayan ko na. Kinamayan ko nalang uli kasi sinasabi na nakikipagloko ako sa kanila dahil walang dent. So sinabi ko na "Okay na parehas lang naman tayo nabigla" kaya kinamayan ko uli. Useless na waste ko ang time ko sa ganitong sitwasyon. Maliit lang naman sobra ang micro dent at may pamilya siya. So ako na ang nakipagkamay na ng twice. Nagsimula lang naman sa maliit tapos nagsorry naman ang tao at puwede pa itolerate ang micro dent. Siguro kung malaki malaki ang sira iba na yan. Minsan maiisip mo na mas mabuti na magpakumbaba ka... kasi init ng ulo ang umiiral na at that time.

    Tapos pagkaalis nakipag usap ang asawa sa guard na pakibantayan ang sasakyan nila. Ano ba yan as if may gagawin ako sa sasakyan nila? Haler? Nakipagkamayan na nga sa inyo eh para matapos na! Sige sabi ko din sa guard pakibantay nalang ang sakin din. Kilala pa naman ako ng guard kasi lagi niya ako nakikita doon. Sabi nalang niya lipat ko nalang sasakyan ko sa ibang puwesto kaya so ginawa ko nalang at kinuhanan ko nalang ng pix ang tamaraw.

    It's a good lesson of humility. Minsan kahit na alam mo na nagrabiyado ka ng konti at nakita mo na hindi naman sinasadya at puwede naman ayusin sa magandang paguusap ay puwede ka magadjust din sa sitwasyon. Inisip ko na din na di maganda din ito sa pamilya niya at ano mapapala ko kung dinnan ko pa ito sa pulis (O.A. na). Narealize ko din na kung gaano ako kabilis makapag react ay kaya ko din pala magpalamig ng ulo once na nakikita ko na hindi na magiging maganda ang sitwasyon namin dalawa. Lose-lose lang mangyayari.

    So Mr. Kagawad at family next time mag ingat kayo. Hindi lahat ng nakapark diyan sa fort town ay may simpleng tsikot lang at madaling magpakumbaba.

    I rest my case.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #2
    mainitin naman pala mashado ang ulo mo Josh0027..

    well, at least it ended well...

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #3
    expected ang door dings kapatid. wala tayong magagawa kasi may mga taong walang pakialam at kung buksan ang pintuan nila ay may pwersa. masisira lang ang araw mo pag pinatulan mo pa. ganyan din ako noong una pero ako lang ang nasisiraan ng araw. di sila apektado kaya ginagawa ko na lang ay di nagpapark sa mga compact spaces at saka sa malayo ako nagpapark yung kukunti lang ang mga sasakyan para walang problema. may libre pang ehersisyo. :lol:

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    Bro Josh ,bago na naman iyan .

    sabagay minsan talaga di maiwasan uminit ang ulo

    mabuti naayos na din pala

  5. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    178
    #5
    We have all different degree on how we love our rides. Some view it as a "car" while others as a "living thing".

    I agree with n2knee avoid tight spaces. Not all kasi are car lovers like us.

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    53
    #6
    Quote Originally Posted by Josh0027 View Post
    Sabi naman ng asawa niya kagawad siya at alam niya ang justice system and in Jesus name sabi niya.
    What did she mean by that? How does the 'justice system' apply to this situation?

    What is 'in Jesus name'? Is that some religion? Did she mean, just forgive her or her husband now because anyway their God would make them pay for it, either in their final accounting or maybe in their next life?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #7
    buti hinde mo sinapak sapak sa mukha tulad nung humugot ng pantalon mo

    yup door dings are part of life talaga, best to let it go like you did.

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    1,011
    #8
    dapat pinabayad mo nalang sya para sa PDR

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #9
    ayoko rin ng mga ganyan...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #10
    Dapat nakipagusap ka din sa mga dwende para patas na kayong baliw. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 2 12 LastLast
UJN630 FX: Hit my side door while opening his drivers door: Be Careful Next Time