last weekend papunta kami tagaytay, convoy kami ng ate ko, she was with her kids, isa pang kapatid ko at yung driver nila on an expedition. nasa likod naman kami ng kuya ko sumusunod on a safari mga 40 meters distance namin nasa left lane kami pareho. Nagkukuwentuhan kami ng kuya ko ng meron biglang mabilis na toyota camry na naka-blue plate na dumaan sa right side namin, hanga pa kaming dalawa kasi maganda saka mabilis yung camry, pero near the flyover in pasig, meron jeep na nasa harap niya eh mukhang nagmamadali, yung mga ate ko naman eksakto papalagpas na sa jeep, bigla ba namang ki-nut nung camry para makaovertake sa jeep, tapos lahat na ng sasakyan kinu-cut na niya. Yung expedition ng ate ko sadsad sa gutter ng flyover ng C5, pagkalagpas ng pasig, buti na lang medyo mataas yung gulong at yun lang sumabit. Yung mga pamangkin ko natakot, kasi gabuhok na lang banga na sila.

Kitang kita namin kasi nasa likod kami. P_t_ragis yung camry na yun, komo naka-blue plate eh kaya na niyang gawin lahat sa kalye. Sa sobrang inis namin, hinabol namin pareho yung camry, binuksan pa namin parehong wang-wang ng sasakyan na hindi naman namin nagagamit. Nung matapatan namin bukas kami ng bintana, takot na takot yung driver ng camry, kitang-kita naming namutla. hehehe. siguro nasa isip niya rin yung kagaguhan na ginawa niya, especially nung makita niya yung mga bata sa sasakyan na ginitgit niya. Tapos ginawa niya biglang lumiko sa papuntang buendia, at dumiretso na.