New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 61
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    107
    #1
    for several days now i have been encountering a lot of undisciplined motorcycle drivers. wag na natin tukuyin ang mga riders na walang helmet or other safety devices. kasi sila lang naman ang masasaktan pag di sila kumuha nun. what i am talking about are riders who think that they are all alone on the road and disregard road rules and courtesy to other drivers.

    madalas may naeencounter ako na almost mag head-on collision kami dahil nagcocounterflow sila. what i really hate the most are some motorcycle owners na ginawa pang hid ang headlights tapos counterflow directing the lights to the opposite driver's eyes.

    may iba during traffic sumisingit na lang in-between cars and there was a time sumabit pa sa ride ko.

    in terms of traffic rules, they are virtually non-existent. how many motorcycle riders have you seen following a one-way street sign, no entry sign, no left/right turn.

    sana marealize naman ng mga riders na hindi lang sila ang motorista sa daan.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #2

    Tama ka riyan bro.... Dapat ay bigyan sila ng sarili nilang lane para hindi sila maging hazard sa daan... Out of control na talaga ang pagdami nila sa kalye... Ang problema, walang ginagawa ang mga nagpapatupad ng batas para i-address itong lumalaking concern ng mga motorista sa mga naka-motor na paese-ese sa kalye at hindi tumutupad sa batas trapiko.... Ayaw rin naman nilang hulihin ang mga ito na nagbe-break ng traffic rules... Grabe talaga....

    Sa totoo lang,- pag may bumubuntot na sa aking likuran/tagliran,- pinapauna ko na kaysa bumunggo o sumabit pa.. Abala lang ang aabutin ko....

    Minsan, nakatigil ang van sa trapik at maayos naman ang pagkakatigil.... Dumaan ang isang nakamotor sa tagliran ko at sumabit ang kanyang manibela sa side ng van.... Diretso lang na parang walang nangyari... Para bang masarap na gumanti,- pero huwag na lang.... Makakatiyempo rin naman sila ng kanilang katapat....

    4707:santas:
    Last edited by CVT; December 8th, 2007 at 06:28 PM.

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #3
    It's all about enforcement...

    ...or lack thereof.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,008
    #4
    Something wrong with the title of the thread. Obviously there are

    This will only become a car and motorcycle hate thread.

  5. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    361
    #5
    Ang mga nakamotorsiklo kasi minsan ang turing nila sa mga rides nila parang ordinary bike lang eh... nakakainis pa minsan pag traffic kung saan saan sila sumisiksik. Minsan di mo namamalayan may scratches or dents na yung sasakyan mo. Ako talaga hindi ko tinatantanan ang mga naka motorcycle riders nayan kapag nagagasgasan sasakyan ko... pinapabayaran ko talaga sa kanila yung damages na ginawa nila... so far lahat naman ng naencounter ko puro may pambayad... hindi kasi pwede sakin yung kakamutan ka nalang ng ulo or "pa-sorry" effect. They should really learn from their mistakes...

    Sa mga MMDA naman... sila dapat ang maging role model... NAKU! sa EDSA kala mo kung sinong mga hari ng kalsada ang mga yan pag nakamotorcycle... mga wala din helmet at minsan nakakakita ako may 2 pang nakaangkas! Nakakainis talaga!

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #6
    hello there!

    IMO, you can not expect a motorcycle rider to treat his/her bike like a car. yung feeling ng nakamotor na freedom everytime nakasakay sila sa bike nila. singit dito singit duon. ganun talaga yun dahil maliit at dalawa lang gulong ng sasakyan nila.

    tulad din ng na e-enjoy na comfort ng naka apat na gulong kung tag-ulan, super traffic, at alikabok. sila hindi nadudumihan sa loob ng sasakyan nila. hindi naiinitan at hindi nababasa ng ulan.

    pag nasa traffic lights at sila nauuna sa harap, e ganun talaga. naka motor sila e.

    kung maka gasgas sila ng sasakyan e ibang usapan na yun syempre. hindi din ako nagbibigay dun sa mga nagka-counter flow. kasi ako pag naka motor hindi ko yun ginagawa. at kung masagi nila ako. hindi ko din sila pinapaalis hangat di ko nasisigurado na quits na kami sa gasgas na nagawa nya sa sasakyan ko.

    pero mga bossing. yung sumisingit sa mga space between cars e normal yun. try nyo mag motor. for sure gagawin nyo din yun. ang isip kasi ng karamihan na naka motor e "masarap mag motor. iwas trapik". just be careful na hindi kayo makasagi. hehehe. anyway tingin ko wala naman sigurong tao na gustong maka gasgas ng sasakyan para may bayaran sya. and better be sure na pag nakasagi ka e may pangbayad ka nga. mahirap matatakan ng swelas ng sapatos sa mukha at magkabasag-basag flarings ng motor. hehehe

    about naman dun sa helmet. kung wala sila helmet baka wala naman kasing value ulo nila. may kasabihan nga na "magkano ba ulo mo?". hehehe. better na mag invest ka na ng mahal na helmet and other safety gears para gamitin. kesa naman matsugi dahil nabagok. mas mataas ang chance na maka survive sa aksidente pag may helmet talaga.

    so mga kapwa tsikoteers. bigayan na lang po sa kalsada.
    Last edited by LexTer; December 8th, 2007 at 08:24 PM.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #7
    Quote Originally Posted by fireblade View Post
    Something wrong with the title of the thread. Obviously there are

    This will only become a car and motorcycle hate thread.
    I was about to make the same comment. Sa title alone maraming MC riders na masasaktan especially those who support the advocacy for safe and responsible motorcycle riding.

    It is ok to rant about other motorists, motorcycles or four wheeled alike, but it should be in moderate fashion.

    I'd advise the thread starter to modify the title.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    107
    #8
    ^ not my intention to start a car vs motorcycle thread. btw, how do you define "rant... in moderate fashion?"

    to the mods: if this thread will start a hate thread, kindly change the title (don't know how to do it) or close this thread all together.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #9
    i renamed the thread... ok na ba yung ganung title?

    anyway... ok lang naman magrant... basta wag lang nating lalahatin... di talaga maiiwasan na may mga hindi disiplinadong motorista... mapa 2 or 4 wheels man yan

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #10
    ako, naiinis ako sa mga nagmomotor lalu na pag nagbibisikleta o naglalakad ako. tinatabihan/pinipinahan ako parati, parang gusto akong sagasaan. one time, naglalakad ako sa sidewalk, may narinig akong bumubusina. aba, may nagmomotor sa taas ng sidewalk. pinapatabi ako at pinapababa sa kalsada. tsk tsk.

    NOTE: para ito sa mga hindi disiplinadong riders

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
some undisciplined motorcycle riders?