kanina kakadaan ko lang sa may coastal, galing kaming pyro olympics. kaso makalampas ng tollgate nakita ko sobra traffic. naglagay ako ng chocolate sa mini ref ng van kasi nga traffic para may makain. tapos pagkalagay ko pagtingin ko sa meft side ko may civic palang bumangga sa may guard rail kaya traffic. nagtitingin lahat ng mga tao. mukhang nun lang nangyari kasi may mga nagsitigil na sasakyan saka kakadating lang nung pulis e makalampas lang ng tollgate un. don siya tumama sa may umpisa ng guard rail, as in naka center ung auto niya don. kaya pasok ung buong hood niya sa guard rail tapos abot hanggang windshield ung guard rail. ewan ko kung ano nangyari sa driver kasi hindi ko na tiningnan kasi nag tratraffic na. sayang nakalimutan kong picturan kasi hindi ko inaasahan na may banggaan, nakita ko na lang nung nasa tabi na ako.
nung naka pila pa ko sa may tollgate may narinig akong humataw, siguro siya un. tapos bago pa un, nung nagpagas ako sa shell macapagal, meron dalawang civic na papalabas ng shell. ung isa riced-ep na es, hataw siya nung lumabas. tapos kasunod niya naman ung isang gray na ek, sa sobra bilis niya nung tumigil siya kasi palabas na siya umiyak ung gulong niya. tapos paglabas hataw din. ung es kita ko na u-turn kasi nagrerev pa pagdaan sa may shell. tapos ung ek mukhang dumiretso.
kung siya din ung nakita ko sa shell langya sobra angas kasi niya kaya yan napapala niya. sana lang walang nangyari masama sa kanya.


Reply With Quote
