New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 27
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #1
    Last Nov. 18, 5 p.m., pauwi na sina misis to Olongapo from Pangasinan, at sa loob sila ng Clark dumaan. Hindi pa kasi break-in ang sasakyan kaya iwas muna sila sa NLEX.

    Dun sa last stoplight before the main gate palabas na ng Angeles City, huminto sila dahil "red" na. After awhile, nag "green" na kaya umandar na sila. Me 2 traffic enforcers (naka khaki ang suot) na biglang lumitaw at pinara yung unang vehicle, tapos sila, at meron pang nasa huli, bale 3 silang vehicles na hinuli. Signal light violation daw. Nag "go" na daw sila ay naka "red" pa raw.

    Sabi ni misis sa akin (bale me 2 pasahero pang kasama, 4 sila lahat) ay nakita nila na talagang "green" naman na. Siya pa nga ang nagsabi sa driver na "o ayan, green na, go na tayo." Tapos umandar na rin yung sasakyan na nasa unahan nila. Sanay na sina misis at yung driver sa traffic regulations sa Subic kaya nagtaka sila dun sa sinabi ng traffic enforcer.

    Kahit na anong paliwanag nila ay ayaw pakinggan. Kinuha ang license ng driver at nagbigay ng traffic violation ticket. Tubusin daw sa LTO ng Dau.

    Kahapon ay nag-commute na lang ang kakawang driver from Olongapo at pumunta sa Dau. Pagdating doon ay sinabing mag seminar muna...hay naku...medyo hapon na at tapos na ang seminar kaya babalik uli siya bukas.

    Ano kaya ang dapat gawin kung ganitong gumagawa ng violation ang mga traffic enforcers eh wala namang violation? Sabi ko huwag na lang dumaan sa Clark uli. Makarma sana ang mga kumag na ito...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #2
    nakuha ba pangalan ng traffic enforcers?

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    368
    #3
    Quote Originally Posted by lolo pepe View Post

    Ano kaya ang dapat gawin kung ganitong gumagawa ng violation ang mga traffic enforcers eh wala namang violation? .
    i-record sa cellphone at kunan ng picture at pangalan ang mga enforcers kuno na... siguro lalayo kaagad ang mga iyan....

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #4
    bad yung enforcer, sinungaling, mana kay pandak (ang saya saya no!)

  5. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #5
    Quote Originally Posted by boybi View Post
    nakuha ba pangalan ng traffic enforcers?
    Yun din ang una kong itinanong pero hindi nila nakuha. Hindi nila napansin kung me nameplate o wala kasi medyo padilim na.

    Sabi pa nga raw ng driver namin ay mga taga Olongapo sila at malayo ang Dau kung saan tutubusin ang license. Ang sagot ba naman ng kumag ay "nasa Luzon pa rin tayo."

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #6
    nakalagay dun sa TVR (ticket) yung apprehending officer.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    Dapat ipadala na din iyang mga enforcer na iyan kung nasan si lolo pepe

    [sa Guantanamo Bay ]

    Para may mapaglaruan ang mga Taliban. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #8
    doc, dun na lang sa Iraq para ibala sa kanyon...hehehe.

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #9
    Quote Originally Posted by boybi View Post
    nakalagay dun sa TVR (ticket) yung apprehending officer.
    oo nga ano? sabihan ko si misis na i-xerox yung TVR para me ebidensya kung sino yung apprehending officer.

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #10
    kung makuha kaya yung name nang mga hunghang na traffic enforcers na yun at mag file ng complaint, maniwala kaya yung LTO dau? kumbaga e, its the word of their men against the so called "violator".

Page 1 of 3 123 LastLast
Clark Air Base, may salbaheng traffic enforcers