Results 1 to 10 of 38
Threaded View
-
July 25th, 2012 03:27 AM #1
Uso na ba ito ngayon?
Kumakain kami sa Mang Inasal. May mag ina na lumapit sa amin. May pushcart and sm supot sa cart (malamang props). Hindi ko pinapansin dahil gutom na ko. Hindi din pinapansin ni commander. Ayun nilabas ang palad at nanlimos samin. Hindi na lang pinansin. Nagmamadali din kami at busy day iyon.
Akyat kami sa Jollibee to buy a float. Nasa pila ko may lumapit sakin. Penge daw barya. Ibibili daw niya ng Jollibee spaghetti anak niya. Hindi ko pinansin. Tapos nagsalita yung dispatcher sa radio na nasa ilalim ng polo ko. Ayun biglang umalis at hinablot yung kasama niyang bata na nakaupo sa nearby seat. Akala ata guard ako ng SM. Sa bagay, mukha naman akong sikyu and pareho kami ng bihis ng plainclothes security nila. Hehe,
Dun naman sa Jonas sa 3rd floor (ibang araw na ito). Kumakain ako biglang may lumapit na naglalako ng kung ano anong native sweets. Bwiset.
Hindi ba kaya icontrol ng management ito? Ganito na din ba sa ibang malls lately?
soy-based wire insulation. 1. cheaper than the petroleum-based plastic insulation. 2....
BYD Philippines