
Originally Posted by
pedz
hindi ko naman nilalahat.. pakiusap lang naman, sa tamang lugar lang sana at sa tamang oras.. kasi, hindi lang ito unang beses nangyari sa tapat mismo ng bahay..
kagabi lang, 2am, may nag park na civic sa harap at may kausap na tao, binuksan ang pinto ng car nya at nakatodo na yata ang volume, alam ko maganda setup mo, matindi rin ang bayo.. pero sana brother, sa tamang lugar at oras naman sana.. para sa akin, earth shaking talaga yung sound, ok yan, maganda talaga.. nagising na pati anak at mrs ko sa lakas.. pati kapit bahay tinanong ko kaninang umaga sobrang lakas nga daw..
ano kaya kung pinasok kita sa kotse mo tapos max ang volume? sarap siguro ano?
salamat na rin kasi hininaan mo rin noong nakarinig ka ng tunog ng gate..
hindi ko na nakuha plate no. nya kasi walang ilaw ito.. noong umalis sya that time rin, ginawa nyang tanghaling tapat ang madaling araw kasi apat na HID ang nakaka install..