Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
Bro dedicated thread ito for balasubas Mc Riders kaya lahat ng rant dito eh para sa mga balasubas na riders.

Some may vent out and generalize out of frustrations still I'm sure tsikoteers know better than that.

Paki habaan ang pasesnsiya? men lahat ata ng pasensiya binibigay ko since for sure mag ka aberya ako with them, ako ang talo.

Better to have this thread kesa sa kalsada ilabas ang galit at frustrations against them.

Naintindihan ko po sir...tama ka po... ang sakin lang po ay paalala na hindi po lahat ng mc riders ganun. nakakatakot lang po kasi yung hate ng mga kaibigan natin dito towards mc riders na pasaway at baka po kami madamay.

pasensya na lang po talaga sir..ganun po sitwasyon dito sa pinas. i only hope change for the better will come soon. pero yun nga majority nga ng pinoy sa kalsada pasaway.

Ako din may bad experience sa mga kapwa mc riders.

there is one instance nga na naabutan ako ng stop light sa intersection.nakahinto ako bago yung sa pedestrian lane tapos pinagitnaan ako ng dalawang kotse. Then nagbuild up yung mga nakamotor sa likuran ko, nagbubusinahan, pero nung una hindi ko pinapansin until naramdaman ko na lang na inuuntog na yung motor ko sa likod nung motor na nasa likuran ko. Paglingon ko pinauusog ako nung motor sa likod. May kaangkas pa syang hindi nakahelmet tapos may hawak pang tubo or something(sa Manila po ito nangyari). galit na galit at hindi ko pinadadaan. Eh sa totoo lang sir nakakatakot yung angkas nya so umusog na ako ng konti at pinadaan ko. ang kaso lahat ng nasa likod nya nagsisunuran muntik pa ako mahagip. inoccupy nila yung pedestrian lane.

alam ko dapat pinanindigan ko na wag gumalaw sa pwesto ko dahil ako ang tama. pero, tignan nyo ginawa nung lahat ng nasa likod ko. Parang nagiging norm na ang gumawa ng mali. But what if nanindigan nga ako,baka tinubo na ako nung nasa likuran ko.