There is a lot of one way street in Makati that has no sign yellow boys usually hide waiting for their innocent victims for kutong traps.....
There is a lot of one way street in Makati that has no sign yellow boys usually hide waiting for their innocent victims for kutong traps.....
yep, ingat na lang.. 2500 din multa nyan kung di ka maglagay sa yellow boys...
dami talaga jan.. isang tip jan: tignan kung saan nakaharap yung mga nakaparada sa side ng streets.
sa hirap ng buhay, imposibleng may malinis pang traffic enforcer ngayon. puros lagay ang habol ng mga yan.
ako 11PM na, nahuli pa sa U-turn malapit sa yakal st. e, nakatago sa puno sa fire station ung MAPSA, napakiusapan ko sa P150, kaso pagtingin ko sa wallet ko dalawang P500 na lang pala naiwan tsk! sabi ko kahit p300 na kunin nya para may pang gas nman ako, sagutin ba nman ako ng MAPSA na, para nman tayong palengke nyan, magsusuklian pa tayo saka wala akong barya. Ayun, kahuli hulihan lumipad ung p500 ko, tinangay ng buwayang nakadilaw![]()
Naka-motor karamihan ng white boys. Di ko lang alam kung related sila sa white street parking boys and girls. Duda ko employees sila ng Ayala mismo.
ang gulo dyan sa makati, bakit meron nakaputi ang uniform and meron naka yellow...hinde ba pareho lang ang trabaho nila?
tumatanggap din sir, yung MAPSA sa sa kanto ng C5/kalayaan na nagtatago sa may vulcanizing shop nag aabang ng mga coding na papasok ng pasig from C5. Wala kasi coding sa pasig eh but that few meters of road from C5 to buting is part of makati. Mga 50 meters long lang yun nag aabang sila ng mga coding sabay hingi ng 100 petot. Dami ako kilala ganun lang ginagawa, ako din pag talagang kailangan dumaan abot nalang ng 100. parang toll fee for a 50 meter long road pag coding ka...
Sa makati mejo mahirap nga, kulang sa mga signs. Kaya pag pupunta ako makati nagtatanong muna ako sa mga sanay para di magkaali ng papasukan.
tumatanggap kotong white boys. preho mga yan sa tyellow boys mas marami lang yellow boys. ingat sa yakal st. u turn, nandun mga kotong boys sa tapat ng fire station 24/7
ano ba difference nun white wnd yellow uniforms? diba pareho lang na sa traffic?
yun pong mga naka puti sa Ayala talaga yun ang alam ko walang pakialam ang Makati city goverment ni Binay doon so within Ayala area lang sila ... since may nag aayos na ng trafic dyan dapat ndi na nakikialam ang mga banana boys nakikigulo na dyan.. dapat isa lang ang authorized since ndi pinapasok ni Binay MMDA sa Makati dapat may autonomy din ang ayala with their own traffic enforcer na naka puti ( MAPA )
Since hindi din pinapasok sa MMDa yung license, sometimes better to report your license as lost sa LTO. Mas mura pa sa 500. Or kung umabot ng P1000 fine mo, definitely report it as lost na, affidavit lang kailngan, meron sa tabi-tabi ready to fill up form.