UM*-27*
- L200 pickup na black
- may "orange hand" na sticker, yung ginugunting ng iba para maging p*k you...
Nasa likod ko siya ng nasa taas kami ng Quiapo bridge. Nabagalan siya sa takbo kaya lumipat sa right lane na linya ng mga jeep. Sinubukan niyang umovertake kaso nabitin siya dahil prumeno yung jeep sa harap niya. Lahat naman kami nakaipit sa traffic, pwede namang pumila nalang diba...?
Eh di ayun, nakababa na kami ng tulay. Medyo nauna siya ng konti sakin dahil yung ibang jeep kumakanan sa isang isolated na daan para kumuha ng pasahero. Napansin ko na sinalaksak niya yung ibang cars sa harap ko pero tablado siya. Ayun, kumabig nalang siya pabalik sa lane niya kasi umandar narin naman yung jeep sa harap niya.
Pagdating sa curved area, magkatabi na kami kaya medyo kinabahan na ako sa gagawin niya. Eh biglang prumeno ulit yung jeep sa harap niya at imbes na prumeno, kumabig papunta sakin.Halos sumayad ako sa gutter para ilagan siya at muntik din niya akong masagi... B*bo talaga...
Nang nasa ilalim na ako ng Lagusnilad, inabutan niya ako na prumepreno dahil may mga medyo malalim na lubak. Naalanganin nanaman si b*bo sa pag-ilag sakin dahil mabagal yung jeep sa tabi niya. Kung gusto niyang sirain ang auto niya, huwag niya akong idamay. Hindi yata talaga marunong gumamit ng preno eh... Hataw din ng hataw alam na ngang pababa yung kalsada.
Nang nasa Taft na kami, nag-cut nanaman itong si b*bo at pakiramdam ko sinadya na. Nasa gitna ako ng lane at kitang-kita sa side mirror pero nagpumilit parin dahil mabagal nanaman yung jeep sa harap niya. Ayun, napakabig siya pabalik dahil hindi ko siya prinenuhan. Ang kapal ng mukha, hindi mo alam kung natat*e o t*nga lang talaga.
Finally, ng malapit na kami sa NBI, nagovertake nanaman siya! Sinabayan pa ng biglang preno at u turn sa isang NO U TURN na INTERSECTION. Garap*l...
Shoot to kill na ito diba...? :fire:





Reply With Quote

