New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #1
    Nagpa register ako ng oto kahapon. Pinaasikaso ko sa kakilala ko.

    Una emission testing at pag stencil ng engine at body number. Yung sa emission testing, pinicturan lang. Di naman tinest yung usok. Nung tinanong ko yung nag aayos ng register, sabi sa akin pag gasoline engine daw di na tinetest kasi sigurado namang pasado.

    Napakalapit lang nito sa bakuran ng LTO. Di nila nakikita yung mga kalokohan ng mga accredit emission testing centers nila.

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    1,245
    #2
    kala ko on-line ang smoke emission.

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #3
    Online nga yan bro. Kailangang picturan para malaman talaga kung nag test. Connected bali yung mga centers sa LTO. Pero kung may picture na, ok na. Kahit wala talagang testing.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #4
    Same case with the LTO service which goes to our village. Di nakakabit yung emissions probe.

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    1,245
    #5
    ano ba yan. pano mabawasan ang mga smoke beltchers nyan. kala ko pa naman ok na ang emision.wala rin pala.

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #6
    Nakakaasar talaga. Ginagawa na ng LTO yung lahat para umayos ang sistema. may mga bwisit lang talagang kumpanya/tao na gustong kumita ng mabilisan. Sana mahuli itong mga ito.

    Makapagpadala nga ng email sa lto.

  7. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #7
    Nag email na ako sa LTO. Post ko dito kung may reply.

    Ngek. Failed delivery. Di na ata gumagana ang inbox ng LTO. ltombox*lto.gov.ph
    Last edited by robot.sonic; June 8th, 2011 at 01:58 PM.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,140
    #8
    teka lang yun picture dapat nakasaksak yun probe sa tambutso ah? tapos yun print out pwede ka naman humigi ng copy

  9. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #9
    Hanggang ganon na nga lang. Saksak yung probe sa tambutso, then picture. Di tumatakbo yung makina. Pagka picture, tanggal yung probe. Tapos.

  10. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    1,463
    #10
    Sabi nga ni ka Tonying (Anthony Taberna), "mga jeep nga na smoke-belcher pumapasa sa emission testing, oto na gas pa kaya.."
    he he he.
    Try mo e-mail kay "Motoring Today" TS , tapos i-request mo na kung pwede ilagay niya sa column nila sa philstar (para 1-week na nakapost). Ganito ginawa ko dati re: LTO- SFLU na madalas offline. Pinost naman sa column niya. :D

Page 1 of 4 1234 LastLast
Fake emission testing