Nadali na father ko before, kotong sa side mirror, tanggal pintura. Of course, as if walang nangyari at dire diretso lang yung mc. Hindi nakuha yung plate #, lalo na't biglang harurot sa imaginary lane niya.
Medyo may swerte ako kasi hindi pa nadali. Kapag napansin ko kasing pinipinahan auto, bukas agad window sabay titig sa side mirror para mailang yung mc. Most of the time kinakabog naman, prumepreno, baka dahil mukha akong ex-con?
Kahit ano namang mangyari lamang tayo, kapag mabigat lang traffic nakapoporma mga iyan. Kapag rekta na, pitikan mo lang high beam/businahan ng konti di alam anong gagawin. Plus, kapag sila naaksidente minsanan lang. Medyo weird diba? Mas walang laban, mas matapang.
Dapat lakihan plate # ng mga mcs, at harap likod din dapat. Kung lulusot yung plano ni Bayani, tulong narin yun para kabugin mang hit & run kahit papaano. Btw, kung kaya pinahan gutter/pader pinahan para malayo palang alam na ng mc na hindi siya kasya, lalo na kung nasa right side kasi blind spot natin yun.
Anyway, basta tayo mas safe sa loob ng cage. Hintay hintay lang ng karma, pupukol din iyan. :lol: