Grabe ang inabot naming traffic kagabi noong pauwi na kami papuntang LPC from CCP Complex hanggang sa may area ng Coastal Mall.... It started siguro around 6PM sa may CCP,- nagpalipas kami ng kaunting oras sa MoA and then umuwi kami ng 9PM,- rambol pa rin ang traffic sa Macapagal!
Nag-parade yata ang El Shaddai from CCP Complex to Imelda Ave, Paranaque at napakahaba ng linya ng mga tao, more than a km siguro, occupying the southbound lane of Macapagal... Bakit kasi binigyan sila ng permit na mag-parade?- Nagkagulo tuloy ang traffic!
Puno lahat ang mga restaurants sa Macapagal Ave.,- na asar-na-asar ang gutom-na-gutom na mga tao....
Happened to me na more than once near that area. Hindi man el shaddai, it's some other event or gig. Kaya pag pumupunta ako diyan, pinaplano ko pa at with driver hanggang maaari.