New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 32
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #1
    Naglalakad ako sa kalsada galing UP Vanguard to Central, uwi na kasi ako ng mga oras na yun. Pagkatapos nun, may narinig akong busina ng busina sa likod ko. Wla namang kotse nung oras na yun dahil sarado yung gate. Paglingon ko, aba may nagmomotorsiklo sa sidewalk. Pinapaalis ako sa sidewalk para makadaan sya. Tumabi na lang ako sa kalsada...

    Humarurot tas pilit na pinagkasya yung napakaganda nyang motor sa pedestrian gate sa commonwealth. Kelan po ba naging daanan ng motor ang sidewalk?

    Tsk tsk.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #2
    haayyy, yan talaga ang problema sa mga motorsiklo, alam nilang kakasya, ipipilit talaga. whether sa gate, sa sidewalk, in-between cars, among pedestrians, etc.

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #3
    guilty ako dito noon ..

    pero mula ng madulas ako sa sa mga wet na side walk

    at halos masama pa tingin sa akin ng mga tao,kahit natumba ka na .

    never ko na inulit ....mahirap din ang mapahiya

    good thing naka helmet ako at di nakita ang namumula ko na mukha

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #4
    ika nga, masarap daw pag bawal..

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #5
    I experienced the same thing before but I never gave way, good thing the guy did not force his way through he patienly waited for an opening otherwise he'd be waking up in the hospital.
    Last edited by CoDer; February 15th, 2007 at 08:55 PM.

  6. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    391
    #6
    oo i experienced the same last month near my place at fort bonifacio along 7 eleven and ps bank naglalakad ako papasok sa skool tapos habang naglalakad ako sa sidewalk nang biglang may bumusina sa likod ko na kala ko kotse na nsa kalsada lang e pag lingon ko isang honda xrm and i forgot the plate number tapos bigla ba naman gulungan yung bagong bago k na white addidas shoe ko.. e di may itim itim na marks ng gulong.. peste talaga.. la ko magawa kc late na ko for my class kung aawayin ko pa atsaka hinahabo ko pa nun ung the fort bus na tagal bago mkarating... haayy..!! kahit sa kalsada nakakiinis mga nka motor kung makadkit at sumakop ng linya.. kung truck driver lang ako matagal ko nang pinadaan sa ilalim lahat ng mga walangyang nka motorsiklo na yan..:furious::furious::furious:

  7. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    2,389
    #7
    badtrip nga yan mga yan... basta makakasingit sisingit... kulang na lang pati overpass e akyatin para makatawid! pag naman nasagi ka kakamutan ka lang ng ulo...

  8. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #8
    ayan na naman ang mayabang, walang disiplina, matigas ang ulo, hindi alam ang tamang daanan,...

  9. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    834
    #9
    guilty ako dyan

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #10
    nung nagaaral pa ko sa UP, rambol na yan! sunog na yang motorsiklo na yan lalo na kung vanguard member ang nakasakay! joke lang, meron din ako bakarda na vanguard hehehehe! at apo! sarap manuod pag nagbabakbakan sila!

  11. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,339
    #11
    Ahehehe... guilty ako jan! basta traffic at nag mamadali ako or umuulan jan ako dmadaan!

  12. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #12
    katulad ng mga pinost ko sa isang thread madaming pwedeng pagkakitaan ang gobyerno natin. bat hindi taasan ang multa dito at parusa. tipong P5,000 bawat offense ng ganyan since pinepeligro nila ang buhay ng tao na dumadaan sa kalsada at kumpiskado ang lisensya for 3 months dahil sino ba namang T*NG* at matinong driver na gagamit ng sidewalk para lang makadaan. mga dapat sa mga ganyan tinatapon sa Somalia dahil doon walang batas, walang systema.

  13. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #13
    mas ok magkaruon ng motorcycle lane at bicycle lane,mas tipid sa gasolina at mas healthy pa kung bicycle lane.

    experience ko naman sa mac arthur hiway, ambabagal ng tricycle e sa gitna pa ng hiway dumadaan, me supplementary road naman para takbuhan nila, so what i do is to overtake on the right side...

  14. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #14
    So hindi na pala puwedeng tawaging "sidewalk"?



    Tapos pag may naglalakad sa kalye galit din?

  15. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #15
    magagaling talaga motorcycle riders dito sa'tin. if they can muster enough skill, puwede din sila sa divider center island, yun tipong sing-nipis ng gulong nila hahahahaha

  16. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #16
    Ganyan talaga ang mga nagmo-motor,- may kaunting butas, sisingit.

    Sana bigyan na sila ng kanilang sariling lane....

    1901:nolurk:

  17. #17
    para dun sa pare nating nakamotor...

    pare koy ang sidewalk ay para sa tao... ang para sa motor mo naman ay sidecar... ang sarap hilain ng sideburns mo!

    eto para sayo

  18. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #18
    Kelangan ng MMDA ng bagong karatula.

    ROADS ARE FOR VEHICLES. BAWAL ANG MOTORSIKLO DITO. DOON KA SA KALYE.

  19. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #19
    Ang masasabi ko lang sa mga nakamotorsiklo na dumadaan sa sidewalk, e kayo po ang dapat mamigay at maghintay kung may naglalakad na pedestrian. Ang sidewalk para sa mga pedestrian at ang kalye ang para sa motorsiklo. Wag kapal muks.

  20. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #20
    Quote Originally Posted by CVT View Post
    Ganyan talaga ang mga nagmo-motor,- may kaunting butas, sisingit.

    Sana bigyan na sila ng kanilang sariling lane....

    1901:nolurk:
    Kahit bigyan naman yung mga yon ng sariling motorbike lane, dun pa rin sa bawal dadaan. Dapat talaga hulihin, para madala.

Page 1 of 2 12 LastLast
Sidewalks are for people