New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 38
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #1
    a few days ago, nabasag yung windshield ng delivery truck namin sa daan. syempre, ano pang gagawin ng driver kundi i-uwi ang truck. along the way, pinara sya ng LTO officers, driving without windshield daw. kahit paanong explanation ang gawin ng driver, na kakabasag lang at pauwi na sila, naticketan pa rin yung driver.

    ganun ba talaga? alangan naman iiwan nalang ng driver yung truck sa tabi ng daan? wala din naman siguradong pera yung driver para ipapalit yung windshield.
    Signature

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Sana hindi nila tinapon agad yung shattered windshield para may matibay na ebidensya.

    Along highway ba hinuli? Alam ko mahigpit talaga ang patakaran sa local highways. Kung di nya tinapon, sana nagpatulong na lang sya mag pa-escort pabalik ng planta.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #3
    forgot to mention na nagpagawa pala yung driver ng barangay certificate where the windshield got shattered. hindi pala nila matatago yung nabasag na windshield, tempered glass lang yun, so pagnabasag, parang maliliit na diamante nalang yun.
    Signature

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #4
    Dapat sa pulis sya nag pagawa ng report, makakatulong din yun sa pag claim sa insurance.

    Sana inilagay nila sa sako at yun ang ipinakita dun sa humuli.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #5
    hehe, sige, sisisihin ko yung driver bukas and papabaunin ko din sila ng walis, dust pan, at sako next time
    Signature

  6. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #6
    walang hya naman itong naghuhuli na ito....pero anyways walang magagawa...nasa batas e...

  7. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #7
    file a (formal) complaint na lang sa MMDA ? LTO?

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #8
    dapat kasi pina-tow mo na lang. not road worthy na kasi un. ginawa ang talaga traffic rules and vioalations for certain reasons. sana maintindihan nyo ang sinabi ko.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #9
    Originally posted by kiper
    dapat kasi pina-tow mo na lang. not road worthy na kasi un. ginawa ang talaga traffic rules and vioalations for certain reasons. sana maintindihan nyo ang sinabi ko.
    hindi ko naman nalaman until nakauwi na sila. wala din naman silang cellphone para matawagan kami.
    Signature

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    20
    #10
    i don't mean to hijack this thread pero similar kasi itatanong ko. how bout kapag may crack yung winshield like parang tinamaan ng bato so may mga crack dun sa paligid ng tinamaan pero not obstructing visibility at all naman hinuhuli rin ba? sabi kasi ng friend ko hinuhuli na daw yung ganon maski di gaanong malaki yung crack. ayaw ko sana munang gastusan e pero kung hinuhuli mga ganon then no choice ako.

    thanks.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #11
    motoro: akin 5 months na may crack hehehhe. di naman... tempered kasi dumudurog, pag laminated buo padin kaya di din pansin.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #12
    Quote Originally Posted by motoro
    i don't mean to hijack this thread pero similar kasi itatanong ko. how bout kapag may crack yung winshield like parang tinamaan ng bato so may mga crack dun sa paligid ng tinamaan pero not obstructing visibility at all naman hinuhuli rin ba? sabi kasi ng friend ko hinuhuli na daw yung ganon maski di gaanong malaki yung crack. ayaw ko sana munang gastusan e pero kung hinuhuli mga ganon then no choice ako.

    thanks.
    yup, hinuhuli rin ang mga cracked windshields.

    so ibig sabihin nito, wala ng silbi yung mga windshield crack repairs?
    Signature

  13. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #13
    Quote Originally Posted by boybi
    yup, hinuhuli rin ang mga cracked windshields.

    so ibig sabihin nito, wala ng silbi yung mga windshield crack repairs?
    Hindi naman siguro (although I have not tried it yet) kasi I think windshield cracks are repairable up to a certain extent that would not compromise the integrity of the tempered glass. To be on the safe side, have the cracked glass replaced na lang.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #14
    di po narerepair ang tempered kasi di naman sya nagcracrack, they just shatter, only laminated can be repaired since di nasisira ng buo yung salamin...

  15. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #15
    Quote Originally Posted by theveed
    di po narerepair ang tempered kasi di naman sya nagcracrack, they just shatter, only laminated can be repaired since di nasisira ng buo yung salamin...
    Sir theveed, I stand corrected. Thanks.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #16
    e bakit yung motorcycle wala naman windshield? kuliglig? kalesa? float ng parade? bisekleta? tractor? pison?

    di ba dapat pag naka-hazard lights ka saka mabagal takbo mo e pwede mo naman i-drive papunta sa talyer or garahe? paano kung sa highway ka nabasagan ng windshield, iiwan mo na lang dun? pa-tow mo e pwede naman itakbo ng mabagal at on ang hazards lights? sino bang bright mind ang naka-isip ng batas na yan? mabasagan sana sya ng windshield ngayon din. at bukas. sa linggo. at next week ulit. at next-next week ulit. sa birthday nya, at birthday ng alaga nyang pusa, at bithday ng best pren ng pusa nya!

  17. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #17
    Quote Originally Posted by yebo

    Sir yebo ang puso nyo! Relak lang po. He..he..

  18. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #18
    sorry din kung na hijack ang thread tanong ko lang

    ano kaya ang causes non bigla na lang kasi nag crack
    ang windshield while running on NLEX .init sa labas ba at iyon lamig ng aircon sa cabin?

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #19
    boeing: pare, di po ganyan ka laki ang difference ng temp to cause that, kahit mag winter at sobrang lakas ng heater it still wont do that...

    chances are may maliit na fissure na sya dati, pag highway kasi lakas ng pressure sa salamin, esp pag medyo mabilis, so nagkakaroon ng flex point yung salamin (where the really small crack was), then dun na sya magstastart...

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #20
    Kung gumagapang na fissure, minsan attributable sa chassis flex. Lalo na sa mga hindi pa monocoque ang chassis.

    Huhulihin ka kapag walang windshield para mapilitan kang magpa-tow (siyempre may cut sila sa towing).

    Nabasagan na kami sa NLEX dati. Wala namang huli. Malas lang siguro ng driver ni boybi.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 2 12 LastLast
shattered windshield, confiscate license?