Sanggol inihagis, ligtas: Ina patay sa bundol
Ni Ludy Bermudo
Friday, August 8, 2008 Sa huling sandali ay naisipan pa ng isang 30-anyos na ina na iligtas ang kanyang beybi bago ito tuluyang mabundol ng rumaragasang kotse na mi*namaneho ng isang pu*lis na nakatalaga sa Po* lice Anti-Crime Emer*gen*cy Response (PACER), sa San Andres, Maynila, sa ulat kahapon.
Isinugod sa Ospital ng Maynila ang 10-buwan gulang na si Karl William Stabu, na wala namang umanong nakitang galos, habang ang ina nito na na*kilalang si Jocelyn Do*mingo, ng #1231 F. Mu*ņoz St., San Andres Bu*kid, Manila, ay agad idi*nek*larang patay sa na*sabing ospital bunsod ng pagkakabunggo.
Mabilis namang su*muko ang suspect na si PO2 Reynaldo Ortiz ng PACER, sa Camp Crame, Quezon City at residente ng Bgy. Manikla, San Jose City, Nueva Ecija matapos ang naganap na aksidente.
Sa ulat ng Bureau of Traffic Management, da*kong alas-7:30 ng gabi, kamakalawa nang maga*nap ang insidente sa pa*nulukan ng Pres. Quirino at Taft Ave., San Andres, Maynila.
Nabatid na habang tumatawid ang mag-ina na karga ang beybi ay hin*di na umano naga*wang magpreno ni Ortiz na nagmamaneho ng kan*yang puting Toyota Fortuner (ZMC 591).
Nagawa umanong iha*gis ng ginang ang anak kaya himalang na* ka*salba ito sa ka*ma*tayan.
Sinabi ng imbesti*ga*dor na naka-green light ang traffic signal kaya hindi akalain ng suspect na tatawid ang mag-ina.