Nagasgasan ako kanina pero pinaalis ko na lang.
Magbayad siya, huluganniya or isanla niya jeep or ibenta niya isa sa 50 na anak niya...![]()
nangyari na sakin yan dati yan sa sta.mesa. Malayo palang nakita ko na na balasubas siya mag drive (jeep) tapos nung magkatabi na kami ginitgit ako at tumama sa left front fender ko gasgas pero alam ko matatangal sa wax.baba yung driver at d' usual kamot ulo pasensya na walang pangbayad.Pissed off at ayoko palagpasin hindi ko pinagbigyan. sakto may pulis sa may stop light. punta kami sa station nila tapos pinahold ko lisensya. Hinayaan ko siya mangutang nagpabayad ako ng 2500. pumunta yung asawa ata o tita ba niya yun para ibigay ng pera. Minsan kelangan mo gawin kase kung puro awa hindi sila matututo.
Di pwedeng sorry lang,kaya balasubas mga yan kase di nabibigyan leksyon,i remember way back 2005 bagong bago civic ng ex ko eh bago pa lang sya nagda drive ,naatrasan sa jeep sira bumper at basag headlights nya since newbie pa lang and don't know what to do nakalusot ang jeepney driver!
ako naman, early this year, binangga ako ng taxi-fx sa me gilid-likod.
di nagcomplete stop sa T intersection kaya hayun, dinale yung oto ko.
dahil gasgas lang, ok na sana. kaso eh nung mokong na driver.
na kesyo di daw niya kasalanan yun, na ayon sa batas eh wala daw siyang pananangutan, etc.
kinausap ko ng maayos habanag ginagawan ng report nung mmda on site.
aba eh pinagtataasan pa ko ng boses! hayun, di na ko kumibo. ayon dun sa report, siya ang me kasalanan (na obvious naman).
ayaw umamin so ang ginawa nung mmda, binigay sa akin yung lisensiya at sabi eh, dalhin ko raw sa presinto at sampahan na lang ng kaso.
dinala ko sa amin, sa loob ng village at sinabihan ko yung guard na wag palalabasin ng wala akong go-signal.
pagdating sa loob, sabi ko na yung report eh sinasabing siya ang me kasalanan at kung di niya sasagutin ang damage,
eh dadalhin ko siya sa presinto para dun na lang malaman kung anong kaso ang pwede kong isampa.
biglang bumait! biglang nakiusap kase daw wala siyang pera.
sabi ko, di pwede ang walang areglo. dun sa site eh kung anu-anong paandar ang ginawa niya.
sabi ko rin na kung nagdispensa siya eh baka pinalampas ko pa siya. pero huli na. nagdesisyon na ko na pananagutin siya.
so sinabi ko na dadalhinko sa casa para papalitan yung nadamage na panel. so siya ang magbabayad dun.
namutla na ang siraulo at nagsimula nang umamo.
in the end, pinagbayad ko pa rin para magtanda at kahit papaano eh matutong magpakumbaba kahit papaano.
moral of the story : good begets good.
Ang ganda ng story mo sgt_taga haha bwisit yun, kung nung una pa lang nagpakabait na sya baka pwede pa pero kung late na sya nag apologize di na sincere yun iwas kalaboso na lang,anung batas pinagsasabi niya!abugado ba sya at kabisado nya ang batas...
ako mumurahin ko ang buong pamilya nya pati ninuno nya, sabay alis, pag mayabang e di gulpihin nalang, mahirap yung papabayad mo pa yung sinira niya, sabihin inaapi mo pa yung kawawa at naaaaapaaaakaaaaabuting drayber....gulpihin nalang para quits