naku po. yun isa mong picture, kulang na yun letter. dapat hinuhuli yun. bad trip talaga yan., madalas sila nangigitgit sa kalsada, busina ng busina, kala mo laging may hinahabol, e puro expired registro nila. sadyang mapurol ang gobyerno natin. takot sa red plate. isipin nyo mga guru, ibat-ibang kotse, van, etc. e kala ko ba lubog na tayo sa utang? e bakit ang gaganda ng mga vehicle nila? actually hindi lang red plate ang may problema e. pati yun may no "8" na plate, madami akong nakikita expired na din, bakit hindi hinuhuli. sila yun mga pasaway. dapat hulihin din yun. pasensya na po kayo galit talaga ako sa mga ganyan, masyadong abusado.
ang point ko jan is expired ang rehistro nya for 2 years saka punit plate number nya dapat bawal yan hinuhuli, tinatrato rin na prang normal na tao hindi ung "VIP"
sa dami ng ganyang government vehicles kakabwisit na rin minsan i-post. sa isang araw siguradong may mailalagay ako dito. may na encounter ako minsan na tailgate sa akin, tapos biglang nag counterflow. may nakita ako sa likod na how's my driving, susundan ko sana kaso baka pati ako maaksidente sa sobrang barumabado niya mag drive.
madami talaga dupang na naka-red plates. kahit sa gitgitan kala mo kung sino. really shows na taga-gobyerno sila. walang give, puro take! kung driver man, ganun na din kaugali ng amo niya.