Just want to share yung experience ko kanina.

Pauwi na ko kanina at nasa parking lot at palabas na ng mall. May 2 sasakyan sa harap ko. Una yung isang Honda City, then yung Mitsubishi Adventure na parang silverstone/polished metal ang kulay then ako. Nakita ko yung nasa harap na City tumigil at mukhang magpapark. So tumabi sya sa gilid. Yung Adventure mukhang nakatutok. So ang only choice nya lang makalabas at makadiretso eh mag reverse ng konti. Ngayon medyo naanticipate ko na ito kaya medyo naglagay na ko space sa harap ko na just enough para mag reverse sya.

Now eto na yung nangyari. Yung Adventure nakita ko pareverse na (via the reverse lights). Nagulat ako at pag reverse nya ambilis ng approach (Cguro mga 10-20kph na burst). Medyo nadelay nga yung reaction ko, tapos nung narealize ko na babangga na sya, binusinahan ko ng matagal. Siguro nung narealize nya to, bigla syang pumreno. Thank god at di ako inabot. Grabe ang kaba ko kanina. Medyo nagkaphobia pa naman ako dati since 2x na ko binangga dati. Medyo nanginginig pa ko pauwi. Buti nakakalma ako after kong huminga ng malalim for a few times.

To the owner of this car, please be careful naman next time pag umaatras ka. Tingnan mo muna inaatrasan mo bago ka umatras. Hindi yung bara bara ka umatras. Sana ay wag mo na ulitin ito sa ibang tao at maging learning experience ito sayo. Naku kung nagkataon na nakahanap ka ng medyo loko loko na driver, baka nayari ka pa. Ingat ingat na lang next time.