I just want to post this one. I am new here and I am a new driver. I am the type of newbie who would always give way sa mga mahilig mag-over take and such... Also, I am the type of newbie who doesn't know anything about cars until I get a second hand one from a friend.

Got the speakers from that friend a couple of days later after I got the car from him. Nagpainstall ako sa autoline, because it's near and I read here somewhere na okay naman dun. That was last Monday and it was my first time ever to go to an autoshop. Kaya mukha akong kinda ignorante pagdating ko dun. Wala pa akong kasama.

Here is the scenario, when the Manong technician saw my pioneer stereo (though medyo luma na) sabe agad saken "gumagana ba ito?" and i said yes. then habang iniinstall nya, parang wala cyang tiwala na gumagana nga iyon. Sabe saken, kung saan ko ba raw nabili un, sabe ko sa friend ko nga ung unit. Then nainstall na nya. Next naman na issue, sabe nya, wala raw linya ung power antena sa likod, lilinyahan na daw nya. I texted my friend, medyo galit na ako kase feeling ko niloloko ako ng friend ko na okay ung kotse and all that. After which, sabe ng friend ko, meron un, dalawa daw kase ung line nun. So sinabi ko kay manong, and true enough, gumana naman. Tapos sabe naman nya, sira daw speakers kase may static. Bili raw ako sa loob para mapalitan na. Pioneer ung speakers so nanghihinayang naman ako na palitan na lang basta, hindi naman ako todo volume (dun lang may static) mag sounds so nainisip ko, wag na lang. sayang kase, at sabe ng friend ko ulet, ok daw un speakers nun.

so, natapos na at nainstall na nga ung stereo. Umalis na ako, at pumasok sa school. Pag-uwi ko napansin ko, walang ilaw ung dashboard. I just ignored it, thinking that maybe, hindi ko lang mahanap ung switch, though on naman ung headlights ko. Nakauwi ako ng maayos, until last night, I asked my friend kung pano i-on ung lights sa dashboard, sabe nya, once I turn on the headlights, automatically meron na ren ang dashboard, so nainis na ako.

I checked the car at lahat ng lights. Turned out - for the past two nights akong umuwi ng 9pm ng gabi wala pala akong: tail light, parking light, ung light pag nagrereverse (don't know kung anong tawag dun)... I was so thankful na nakauwi ako ng safe at hindi nahuli dahil wala pala akong lights all those time (i was negligent, i know pero i corrected it naman agad once i found out the problem)...

I asked my friend (yet again) kung baket defective lahat un. Sabe nya, it was all working when he handed the car over to me. Totoo naman. Then naisip ko, there must be something wrong with the installation ng stereo. But I wasn't sure, kase nga wala akong alam.

I even posted sa shout box dito, asking if that's even possible. Kind peeps here told me na ibalik ko sa autoline, kase nga baka may mali sa kabit nila. I was hesitant to do that, kase baka they won't own up to it kung sakali man na sila nga ang may kasalanan. Alam ko naman kase na maganda ung shop nila at hindi nila sasadyain un. :war:

Then, this afternoon, dumaan na ren ako sa autoline, pero full ung garage nila, so dumeretso na akong hanapin ung o-drive, hindi ko nahanap kaya napadpad ako sa Denjo somewhere in Newton yata un, or the next street.

Ginawa nila and they found out that the stereo was connected to the line ng lights, kaya na-short at pumutok ung fuse ng lights whenever I turn on the stereo. Inayos naman nila at mas mura ang labor (250 vs. 300 sa autoline) at napansin ko ren, sa Denjo, ang babayaran lang ung parts na kinabit nila ung labor, deretso na sa manong na nag-ayos "pangmeryenda"

It was a very good experience sa Denjo, while sa autoline, ayoko na lang bumalik. Ang difference sa visit ko sa denjo, umpisa pa lang, sinabi ko na sa manong technician na wag akong gogoyoin. My cousin (who's into cars) told me ren na pagbaguhan, alam agad ng shop so minsan, alam nyo na.

Lesson learned. I am just charging it to experience.

That's all. *bows*