PU****INANG mga akyat bahay yan. dapat diyan pinapatay na e!
kakakausap ko lang sa gf ko, napasok daw ung room nila. nagsimbang gabi kasi sila sa may ust. pagbalik nila gulo-gulo na ung kwarto tapos wala na ung mga pera, cellphone, alahas, relo, saka dvd player. iniwan niya ung mga pera saka cellphone niya kasi kagabi ung kasama niya sa room na hold-up naman sa may likod ng ust. kaya nung nagsimba sila iwan nila mga gamit para safe. ang masama naman non e pinasok naman ung room nila.
duda ko inside job e, kasi ung kwarto nila may main door pa. kasi nga room for rent lang. e nung minsan naiwan ng gf ko ung susi niya sa loob ng room, pinabuksan nung may-ari sa isang lalake don. nabuksan nung lalake, sinungkit lang ung susian. e kagabi halos walang tao don, ung mga sa ibang room nagsimbang gabi din. isang room lang ung naiwan, pero ang nawalan e sila lang. ung room lang nila ang nawalan kahit ung ibang room wala din tao. duda ko nakita silang umalis nung ka roommate niya. e dahil alam nung lalake na kaya niya buksan ung room kaya pinasok niya na. ang masama non e ung maindoor walang galos. as in naka lock pa rin pagdating nila.




Reply With Quote
