madalas kami hulihin ng mga nanghaharang ng delivery trucks and old looking vehicles. madalas mga taga lto sila na may kasamang mga mmda. laking pera po ang multa kahit pasado naman sa mga test. kinukuha nila plate number. last week lang. nahuli kami sa may scout area. elf na surplus sasakyan namin bulok na yung labas but well maintained naman po mga makina namin. pinapacalibrate and overhaul naman namin ito from time to time.
2nd offense na last week kaya mas mataas na ang multa. 5t pesos. pero bago mo ma-claim plate number mo ay kailangan mo muna magpatest at pumasa sa emission. pumasa naman yung amin agad ng walang inaayos sa sasakyan. parang walang paraan para iwasan itong mga ganito sa kalye. minsan nakakasalubong ako ng grupong ganito. nakikita kong pinapara nila madalas ay mga delivery vehicles and older private diesel cars. maraming mauusok na public utility vehicle kayalang ay hindi sila hinuhuli dahil palagay ko ay meron silang mga "samahan" (association) like piston.. etc etc. na promoprotekta sakanila. uso kasi ngayon sa gobyerno ay may reward sa multa. kaya siguro sila huli ng huli para sa porsiyento. otganun din sa maynila nung panahon ng dating arkalde ay huli ng huli mga traffic aid niya. madalas ay nagaabang sa mga lugar na may maling traffic sign. alam po siguro yan dito ng mga taga maynila)
ano po kaya magagawa natin para maiwasan itong mga ganitong panghuhuli? mahirap pong kitain sa negosyo ang 5t pesos sa panahon ngayon. ang dami daming pwede huliin ng mga taong yan sa kalye na masmakakatulong sa nakadadami. pinagiinitan lang siguro nila mga delivery vans dahil alam nilang itong mga sasakyan ay pang negosyo at kelangan i-claim ng mayari ang mga platenumbers at hindi makareklamo dahil busy. akala siguro nila dahil may negosyo ay madali na ang pera.