New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 47
  1. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #1
    bakit ganun? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong walang magawa sa buhay at gagasgasin ang kotse mo eh wala ka naman ginagawang masama. Siguro naiingit o naiinis sila sa kotse ko. Ayun may 5 inches na scratch na malalim.I was parked sa gutter ng street for 10 mins. Kanina ko lang ito nakita kasi madilim na kagabi.

    Hindi ko tuloy alam kung ipost ko dapat ito sa the workshop. Buti kakawax ko lang sa kotse ko at top coat nagasgasan pero malalim at pasalamat ako hindi sagad hanggang pintura. I tried rubbing compound and wax pero hindi pa din matanggal. Ano kaya ang dapat kong gawin?

    Kung nakita ko gumawa nun, bata man o matanda hindi ko siya sasantuhin!!! Gumagastos ka sa ride mo tapos bababuyin nila!!!

    By the way napalift ko na din si quiksie, torsion and shackles lift

  2. #2
    Your not alone bro, one way or another halos lahat tayo di naka experience na ng ganyan. Sana makarma na yang mga hinaupak na yan. Karamihan ng gumagawa diyan eh yung mga bata na sabog sa rugby. Yung sa Adventure ko dati may gumasgas, di lang 5 inches kundi 10inches na pa "s" abot hanggang primer badtrip talaga.

  3. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #3
    ano magandang gawin sa gasgas ko? Sabi ng pinsan ko pa autodetail ko na e.

  4. #4
    kung di makuha sa detail, pa repaint mo nalang yung panel... kung di mo matiis yung gasgas

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    250
    #5
    gasgas?!! hmm.. i can relate to that. (bigbert's can attest to it) 2x ginasgasan ang tsikot namin. wala na kong magagawa * wala naman ako dyan. tumaas lang highblood ko

    nang-gagasgas sila ksi naiinggit sila * di sila makabili nang tsikot. or napagtripan lang. or revenge. or they're just plain stupid people that have no place in this world * pamapsikip lang nang mundo/pampadagdag demographics.

    may karma yan quicksie. yun na lang isipin mo, pero wag mong pagdasal na ma-karma sila * bad din yun.

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    551
    #6
    bake hindi intentional ? like may dumaan at sumabit ang payong or bag na may malaking zipper ?

  7. #7
    Mmm... saakin intentional kasi pa "s" yung korte at 10 inches yung haba, magagawa ba ng payong yun? hehehe... haay naku

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    250
    #8
    iluvdetailing: baka payong na gamit sa beach ang dala! hehe. pero most of the deep scratches talaga ay intentional.

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #9
    i think intentional kasi malalim ang gasgas. Kung unintentional yun kaya pa ng wax o rubbing compunds yun. Mukhang matilis na bagay ang ginamit. Nagpark lang ako sanadali kasi sinundo ko mom ko tapos kanina ko lang nakita yun gasgas e wala naman ako pinuntahan na iniwan ko itong pickup ko hay buhay...

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #10
    maraming taong walang magawa talaga. sarap itali sa puno at buhusan ng asukal nang kainin ng langgam unti-unti.
    In my case nde ginasgasan... ginawa nyang blackboard ang kalahati ng kotse at nagdrawing ng kung ano mang kabastusan. yellow paint pa ang ginamit nde man lang color coordinated sa car paint ko. *aghast*
    baket nga may mga ganong tao? baket?

  11. #11
    Ngek, may pambili pa ng yellow paint.

  12. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #12
    yung classmate ko rin nagasgasan..balck optra kaya halata..malalim din. kakainis talaga ang mga ganyan...aba, kahit luma kotse namin..naiinis pa rin ako kung may gumawa nyan!

  13. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #13
    Kaya ako nagtataxi na lang pag pumupunta sa mga lugar na alanganin. Daming beses na rin ginasgas at ninakaw ang mga emblems ko. Kung dadalhin ko naman, nagpapaiwan na lang ako sa sasakyan o kaya within eye sight.

    Wala talagang magawa ang mga yan. Inggit kasi at walang mga pinagaralan.

  14. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    497
    #14
    Posted a thread exactly like this one almost exactly a year ago. Good thing that my scratches were not too deep but nakakainis parin. I've learned to live with hairline scratches which i normally clean up with wax. I haven't had a deep scratch yet although i've had 3 accidents (Truck, Tricycle, Motorcycle) which necessitated repainting of panels.
    By your reaction,they already attained what they wanted to happen. They wanted you to feel angry because they are angry about their situation in life. So they believe that by lashing out at your car, they can make you feel what they feel. Social justice daw. Same reaction by someone in the thread on North luzon express way rates who called people "elitista and walang puso sa maralita". They fail to realize that what they is a criminal act as they have inflicted damage on another person's property. Same reason why squatters feel that they have a right to occupy the private property of another person. Same reason why our socialized housing system fails because very few people pay. Don't expect these people to respect your property because they believe that you are oppressing them by having something that they don't. Why don't they just work for it? If they are really "naghihirap", shouldn't they try to work themselves out of it rather than waiting for the meager doleouts that are available after our government pays for its debts.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #15
    i know how it feels...minsan ko lang ipinarada sa labas ang mazda 3 ko overnight sa tapat ng apartment...kinabukasan may malalim at makapal na gasgas na sa lower part ng driver's door...sira ang buong araw ko niyon...sabado pa naman...di ko malaman kung sinadya o may nakasagi...yung gwuardiya ang nakakita...kung siraulo lang ako eh baka pinagdiskitahan ko pa ng inis yung gwuardiya he he...anyway hanggang ngayon nandyan pa rin yung gasgas...buti na lang minsan di ko napapansin dahil gray din ang kulay...

  16. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #16
    aba as i mentioned before, sa cefiro ko ginasgas from hood to doors to trunk, ganda ng continuity, parallel pa 2 gasgas hehe o wel di talga maiwasan yan

  17. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #17
    Hayaan mo na... Ganyan din nangyari sa Galant namin dati sa Banawe... syempre walang aamin kahit may tindahan sa tapat na I'm sure nakakita.

    Tansan pa yata ang ginamit at mula front fender hanggang rear fender, so kasama ang mga pinto. GRRR!

  18. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #18
    Quote Originally Posted by 66bunny
    Kaya ako nagtataxi na lang pag pumupunta sa mga lugar na alanganin. Daming beses na rin ginasgas at ninakaw ang mga emblems ko. Kung dadalhin ko naman, nagpapaiwan na lang ako sa sasakyan o kaya within eye sight.

    Wala talagang magawa ang mga yan. Inggit kasi at walang mga pinagaralan.
    I do the same thing, especially the part where I wait in the car.

    I also avoid places where I'm sure I'll get door dings.

    The downside of this is that my wife always complains that we never go anywhere exciting. Puro na lang Podium, The Fort, G4. Hehehe...

  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    85
    #19
    my gulay! yung fuego din namin, pinark ko sa greenhills shopping center in broad day light. pagbalik ko mula headlight hanggang tail light ang gasgas! tansan din ata.

    eto matindi, gumimik ako minsan gamit f150 na may hard tonnoue cover sa likod. pagbalik ko, binuhusan ng brake fluid yung hard tonnoue!!! hellow!? eh npakabait kong tao tpos gaganyanin auto mo!!! grrr!!

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #20
    Yung Pajero ko parang niliha ang hood nung ginamit dinala ko ng November 1, 2003 sa Himlayang Pilipino.

    Hanggang ngayon hindi ko pa napapagawa.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 3 123 LastLast
mga taong nakakabwiset at walang magawa!!!