Mga Bros,
Share ko experience...sa nangyaring chase sa akin ng LTO...sa Clark ecozone ito nangyari...pauwi na ako nun galing sa seminar namin ng ISO 9001 sa CDC...exit ako dun sa friendship gate kasi may aksidente sa stoplight kaya no way na makaexit ka sa main...pagkaexit ko sa friendship...takbo ko siguro mga 80km/hr eh may nagtatago palang mga enforcers dun sa madamo at bakanteng lote sa kanan ko..before mo kasi datnan yung vacant lot na yun katabi niya 3 palapag na buliding so hindi mo sila makikita....naalala ko na may nagpara sa na isang lalaki (naka brown na pants at white shirt) so hindi ko pinansin kasi akala ko nag-aabang ng pampasaherong jeep...so tuloy lang ako sa pagdidrive...maya maya pa heto na nakita ko sa likod ko isang motorcycle nagwawangwang na...at may kasama pa kasama na isang mitsubishi lancer na box type...bigla nalang nagcut yung motor so wala ako choice kung hindi sudden stop at ipihit ko ng konti yung steering sa kanan para di ko siya tamaan...so sa madaling salita ako pala ang hinuhuli..pinababa ako ng kotse...pero ayaw ko bumaba kasi tinatanong ko violation...sabi nila DTO daw kasi daw tinakbuhan ko sila..ang sabi ko naman sino mag-aakalang mga enforcers kayo eh hindi naman kayo naka-uniform at private pa gamit ninyo na sasakyan....sabihin ba sa akin na wag na daw ako magdahilan baka daw dumami kaso...so bumaba din yung sa box type sabay hawak ng kanilang baril...kinuha nila lisensya ko tapos sabi nila maki-usap daw ako dun sa isa para masettle na..pinaki-usapan ko naman kaso gusto 1500 daw.eh ayaw ko pumayag...tiniketan ako..pagkakita ko ng violation ko DTO,walang seatbelt,reckless driving,no plate attached at no OR at CR, Paano di ako kakasuhan ng ganon eh kasama sa hiningi nila yung copy ng OR/CR pagkatapos ko makiusap nawawala na yung kopya ko tapos sabi nila di daw nila kinuha kasi lisensya lang kailangan..kapag ba yung plate # mo nasa may windshield pero kita naman violation ba yun...




Reply With Quote
