last week 2 van dala namin para mamili sa divisoria, nagpark kami sa harap ng mga tindahan ha, iniwan ko ang L3 ko naiwan ang isang driver sa isang van na dala namin. umalis lang ako para bumili ng makakain, aba pagbalik ko nilalagay na ang chain sa L3 ko at ito tow na, nakipag away nga ang kasama kong driver dun sa nagtotow dahil kasama nga nya ako, ang problema di ko iniwan ang susi sa kanya kaya ayaw maniwala na kasama ko siya (di namin alam na ganun pala dun na kahit nakapark ka ng maayos e ito tow ka na basta walang driver). nung nakikipagaway na kasama ko may isang tao na umawat tapos kinausap na lang ang nagto tow na alisin na ang chain at umalis na. aba akala ng kasama ko ok na, nung pagbalik ko ba naman sa van sinisingil ba naman ako ng 200 pesos kasi daw kung di dahil sa kanya natow na daw sasakyan ko? di ba modus operandi ito ng mga lokong yon? meron na bang naka experience nito sa inyo? langya daig ko pa ang nagpark sa carpark 200 agad ang singil sa akin. park na lang kayo sa tutuban carpark kung pupunta kayo sa divisoria IMO lang.




Reply With Quote



