
Originally Posted by
wrcastro_ph
Dalin ko na lang siguro sa talyer mamaya para ma estimate nila ang damage at malakad na din sa Insurance ito... Ito ang 1st damage ng kotse ko thru accident. Medyo swerte nga ang insurance ko sa mga nagdaan taon... ngayon lang ako kukuha ng claim... sana nga di na magka problema sa repair ng kotse thru insurance.
Di pa din nakikipag usap sakin yung mga kamag anak ng naka aksidente hanggang ngayon, pero pinapunta ko na ulit sa Traffic yung driver para makausap nya yung taong salarin. Papalabasin ko din naman yan definitely, gusto ko lang mabigyan ng konting aral. Sabi ko dun sa taong pinapunta ko, na dalin muna dito sakin bago pauuwiin, pero di ko pa kung kelan papalabasin yon.
Wala na din akong balak singilin pa yung taong nakabangga pero pinapa background check ko muna kung capable syang magbayad maski participation man lang... pero kung talagang wala ay ipagpapasa-Diyos ko na lang ang mga nangyari. Medyo mababa din kasi talaga ang loob sa mga taong walang kakayanan ang gusto ko lang ay magsilbing aral sa kanila ang mga nangyari.
Sabi nga ng iba ay kunin ko na lang yung motor nya para kahit papaano ay may maibayad. Pero alam nyo, di kaya ng kunsensya ko dahil pinapang hanap buhay yun ng tao. Baka para ko ng inagawan ng pagkain sa kanilang hapag kainan yung pamilya ng akusado. Madami siguro ang mag di-dis agree pero ganyan lang talaga ang balak ko.