New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 25
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    Alam kong walang kinalaman ito sa sasakyan, I'm just venting out...

    I had my graduation pictures taken at D' Manila last May. Diba dapat after a few days ready na siya. Kaso medyo naging toxic ako so after a month ko na nabalikan. Aba, nasira daw ang negatives so kailangan ko mag-reshoot (time consuming, make up, etc.). Ok lang naman, at least walang gastos on my part.

    Binalikan ko about a week after, wala pa din ang grad pics ko. Last weekend, nagpunta ko sabi balikan ko daw Tuesday. Medyo nakakainit na ng ulo kasi nasasayang ang mga off-duty days ko kakapunta sa kanila. Hindi ko napuntahan ng Tuesday, kanina na lang ako nakabalik (Saturday), busy din kasi ako sa trabaho.

    ABA PUT*NG IN* WALA PA DIN ANG PICS KO!!! Talagang nagwala na ko sa opisina nila. Nagdabog na ko. Mga pusang gala na mga ito. Kasimple-simple ng trabaho nila hindi pa nila magawa ng maayos? Ano ba ginawa nila sa picture ko? Pinakain sa leon? Baka residente na ko, wala pa din ang grad pics ko at this rate! Sobrang unprofessional ng studio na ito! Kung hindi lang sila exclusive sa UST year book, hindi talaga ko papakuha sa mga hinayupak na iyan.

    Worry ko lang hindi na ko maisama sa yearbook dahil sa kabalbalan nila. Sabi ko naman sa staff and management, 'magkakagulo tayo dito' kapag hindi ako nasali sa yearbook. I hope they get the picture (pun intended).

    Kanina ang promise nila, idedeliver nila sa ospital ni commander ang pics. AS of this writing, mukhang wala pa ding dumadating.

    Kaya warning na lang sa mga gustong magpa-picture dito, huwag na kayong umasa na makukuha niyo pa ang pics niyo within this lifetime.

    Ano ba pwede kong gawin? Sobrang frustrated na ko. Ayoko na pumunta dun, gusto ko na sila hagisan ng granada. Grrrr....

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #2
    otep, baka pinag-agawan na ng mga bading dun yung grad pic mo! hehe joke lang! palusot lang yan, baka marami silang pino-process na grad pic...konting lamig lang ng ulo..

    ang alam ko mas ok na nga yang d'manila eh unlike nung graduate ako ng pre-med ko, sa colorpoint yung exclusive rights para sa grad pic namin. nung pumunta ako dun, di ko nakilala gf ko eh! sa kapal ng make-up nya! grabe! kaya ayan tuloy, hindi na ako nagpapicture..hahahaha :D

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #3
    Mabait naman akong tao. Pero T*E na kasi ang trato nila sakin kaya naiinis na ako. Matagal nang tapos ang graduation season, ano pa ba ang pino-process ng mga ubod ng bobong hinayupak na iyan? Graduation picture ang kailangan ko. I don't need it after residency!

    Mas ok pa experience ko sa Colorpoint. Although mas magandang magpaayos ka muna sa labas before going there.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    boss otep ...anak ng teteng ng mga iyan..bad trip iyan ..since exclusive ng school ninyo ang stupid studio na iyan .recommend mo sa school ninyo wag na makipag deal diyan but of course pag katapos ng fiasco mo ...baka lalo ka ipitin ng mga iyan ....pati ako nababadtrip bgla ....napaka memorable pa naman ng graduating pics..tapos di nila pinag iingatan...balikan mo pa rin or tawagan lagi ..lahat ng bagay nadadaan sa mahinahon na usapan

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Sobrang hassle na kasi talaga. Bihira na nga ang off-days ko, nasasayang pa kakapunta sa kanila. At kapag pinuntahan ko naman during lunch, isang malaking karatula ng "LUNCH BREAK" ang bubulaga sa iyo. Palibhasa alam nilang bayad na ko kaya ginagago na lang ako.

    Ayoko na talagang bumalik dun. I'm demanding that my photos be delivered to my address of choice (balak ko nga sa address ko sa probinsya). I will check tomorrow kung dumating na sa ospital. Magrereklamo na ko siguro sa DTI kung wala pa din. Ginogoyo na ko, eh.

    Ito ang dapat tinatarget ng Al-Qaeda...

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #6
    otep ... contact the people incharge of the yearbook ... tell them your predicament and ask if it would be possible to submit your pic from a different studio ... kasi nga palpak ang dmanila ... and if worse comes to worst ... contact a lawyer, dmanila is asking for it, and so does yearbook people if they refuse to accept your pic from another studio (if the yearbook comes out without your pic)

    baka naman kursunada ka lang nung tao sa dmanila ... pero andun na pala sa yearbook committee ang pic mo

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    252
    #7
    otep, yun official photog ba differs per college? if i recall right, we were given a choice between photogs, then ended up with toch arellano. but that was years ago.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    Sa college yearbook, pwede ka mamimili. Pero sa official yearbook (yung malaki covering all colleges), puro sa put*ang in*ng D' Manila lang pwede.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,079
    #9
    Sir Otep, I would suggest that you explain your predicament to the yearbook committee, para sila na bahala magfollow up sa D'manila. That way, you don't have to confront them and blow your top anymore.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #10
    Hindi ko na kasi alam who is in charge of the yearbook since university-wide na ito. Siguro I'll just look into it. But every second I spend on this damn thing is time wasted on my part.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 3 123 LastLast
D' Manila Photography [along Espana]