mga sir, i was to redeem and pay my mmda tvr sa mmda main guadalupe, 2x na po ako nahuli, one is overspeeding sa macapagal 67km daw, and 2nd is number coding, 7:25 am na kasi, pauwi na kami ni misis galing sa paghatid sa mga kids,
lagpas one month na sya bago ko kukunin, ang sabi po sa mmda main, meron daw ako pang 3rd violation, way back 2009 pa daw, magseseminar daw ako and wala naman ako natatandaan na nahuli ako ng mmda noon 2009, yun sasakyan na nahuli eh wala naman ako naging ganung sasakyan. saka dapat di ba,? hindi ako nakapagRenew ng lisensya sa LTO. kasi ihohold ng LTO kapag me huli ka sa mmda, sabi sa akin kung gusto ko raw icontest pwede daw. posssible ba yun na kahit hindi mo violation, magkakaroon ka? salamat po.