alam ko, may project ang gobyerno para ihiwalay yung mga cavite bound vehicles sa las pinas vehicles. ang daan eh sa reclaimed lang sa roxas boulevard.
i just dont know kung ano na status netong project na to.
ganyan talaga, noon pa man college pa ako, ngayun 11 years na ako abroad same pa rin. As sir revogsx says, gising na lang maaga.
Suwerte ka pag naabot mo GO sa counterflow.
Sanayan na lang sir, mai i mune ka rin. hehe!
2 years ago sa imus ako naka-tira. gising ako ng 5:30, alis ako b4 6:00. minsan ma-late pako (8am sa mandaluyong). tapos pag uwian naman, pag-alis ko ng 5:0pm sa opis, pinaka-maaga kong uwi, 8pm.
ganyan talaga dyan, kung gusto mo ng madaliang solusyon, lipat ka ng tirahan!
ngayon sa las pinas na ako nauwi, alis ako 7am, cruising lang ang speed, bihira akong ma-late.
Bwisit kasi yung buhos na yan. Minsan nagka-counterflow na di pa nakatigil yung kabilang lane. Mabuti na lang wala akong late sa office. Kung dati tinatamad akong mag-drive, ngayon tinatamad na akong pumasok pero kelangan eh. Napansin ko nga pag walang buhos mas ok pa yung flow ng traffic. :-(
may ginagawa na project yung dretcho ata for cavite city na. dyan after lang ng toll, before mag end ng coastal ang pasukan nun, pero simula palang medyo matagal pa yan...
sa amin ok lang mag counter-flow, pag ikaw ung na tsempo sa counter flow. malas nung nasa kabilang lane na kailangan mag antay nang 20/min to 30/min para mag go sila.
minsan may na-aksidente din sa counter flow na yan. bigla atang nag counterflow tapos meron nang nasa gitna patawid. nahagip ung natawid, bumaliktad buti sa gilid lang sya nasagi kaso bumaliktad ung tao.
may project ngayon, ung isang daan sa may coastal dumaan sa tubig. ang umpisa bago mag longos (talaba) sa may coastal rd na tapos ang lusot maaring binakayan or noveleta.
ung LRT pa Cavite noong panahon pa Ni Bong Revilla as governor pinag uusapan yan eh... puro drawing...
Ung bagong project no Gloria na dadaan sa dagat (papuntang Cavite City ata) eh super bagal naman ang gawa... TIngin ko wala na naman pondo ang gobyerno.
Ako okey lang sa akin ung counter flow dahil tyempo ako palagi, kaso ang masama eh uso na din ang "buhos" system sa mga small street katulad ng mambog/buhay na tubig area (palico). Dati walang trapik dahil walang traffic aide, eh ngayon ang haba na ng traffic dahil may traffic aide na...
Pansin nyo din ba na parang ang dami ng sasakyan sa Cavite.?
ayoko niyang buhos na yan. mas traffic pa pag ganyan nangyayari. kawawa pa ung naipit. minsan bubuhos kakarampot lang, tapos stock ka na kagad dahil bottleneck na sa kabilang dulo dahil sa kabilang linya na nakatigil.
badtrip pa pag pupunta ako sa bahay ng gf ko. kabilang kanto lang. tatawid lang ako ng highway, e masama tyempo ng 1 way. yari ka. 30 mins kang hintay.
kaya lalong nag traffic dahil dami ng dumadaan sa niog. naging intersection na tuloy. dati kasi parang side street lang siya. ngayon talaga stop and go na rin. dami na kasing subdvision don tapos may biyahe pa na mga piyerang kulay yellow. hehehe.
mas sobra pa traffic pag sabado. makalampas lang ng tollgate traffic na. pag mga 3:30 ok pa, medyo malapit na sa dulo pero mga 4 simula na un. pag na late ka pa ng konti yari ka.
ako rin taga molino sa bacoor... mas grabe samin dami mo dadaanang traffic! pag natraffic ka pa kakainis pa mag drive kse kaka pagod kaya lately commute muna ako kse kulang ako sa tulog... tipid pa lkse mahal ng gas eh... samin traffic sa schools tapos sa GSIS tapos Niog tapos sa Talaba! malas mo pa pag traffic sa toll gate! pag pauwi naman traffic pa rin! kaya agahan na nga lang ng alis.. 8 time ko pero umaalis ako 530-6 kse traffic and pag commute, hirap sumakay!
pareho tayo pre, yan din ang iniisip ko dati pa. diyan na talaga problema. kasi paglampas mo naman diyan ok na kahit papaano. mas mtraffic pag nandon ka pa sa may coastal dahil sa bottle neck. kung pwede siguro nila lakihan pa ung daan don siguro bibilis pa kahit konti ung coastal road. tutal maluwag naman don banda bago mag talaba. malaki naman ung lupa sa gilid. tapos flyover sa intersecion.
Originally posted by axishift Lagi na lang, nde ko ba malaman.
may mga taga bacoor, cavite din ba dto? or mga taga cavite?? papasok ka, traffic uuwe ka traffic.
Lagi na lang, may solution pa kaya dto?
:confused: :freak: :whoa:
Bacoor din ako, along Mambog. Via niog ako madalas.
Sa morning, wake up early ako. Pero pag-uwi, no choice but to go thru the jam. Normal traffic yung sa longos ang tail end. Pero yung toll gate na ang dulo south bound is not normal. If I remember right, ganito kagrabe ang traffic nung ginawa yung left side ng binakayan bridge. Bumalik lang ngayong itinuloy na yung right side. Effect nga kaya ito noon?
Di rin ako favor sa counter flow. Tinuruan lang nito maging careless drivers ang mga motorists. Dami tuloy nagka-counter flow kahit di dapat.
Ang nearest solution na nakikita ko is when matapos na yung Daang Hari from St Dominic hospital, thru niog and molino, hanggang Alabang na yun.
Keep cool na lang po and kumain muna bago sumabak sa traffic.
sa umaga, the only solution is leave early. I leave at around 5 am so nasa ortigas na ako on or before 6am.
kapag pauwi, yung bottle neck sa longos ang problem (from 5 lanes sa may shell tapos 2 lanes na lang pagkanan).
yung ginagawang extension ng coastal na diretso sa kawit mga 1 km pa lang ata ang natatapos so matagal pa tayong maghihintay.
nagsisimula magtrapik doon at around 5pm. yesterday i tried going home early, 4 pm walang trapik sa longos.
the other solution i tried was using south super highway then filinvest then daang hari. but this is advantageous only for those living near molino. medyo mas malayo lang ang ikot and mahal ang toll!
OT: FYI lang po sa mga di pa nakakaalam. Under construction ang Niog ngayon. Kanina di ako pinapasok from Mambog (near jetti). U-turn na lang ako para mag Aguinaldo.