New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    305
    #1
    Papunta ako ng Nagtahan ng biglang may itim na Toyota Corolla w/ plate number WJX 791 na sumulpot sa isa sa mga maliliit na eskinita sa kanan. Nagulat nalang siya dahil yung ibang sasakyan sa harap ko eh hindi siya prinenuhan kaya napilitan siyang huminto. Nang ako na ang dadaan, napansin ko na gumalaw ng konti yung gulong niya kaya inilawan ko para bigyan siya ng warning dahil mabilis ang takbo ko.

    Aba, imbes na huminto eh bigla pang ngumuso kaya naalanganin ako. Nang napansin niya na pinitik ko na yung preno eh dahan dahan pang pumasok. Ang ginawa ko, late na nung itodo ko yung preno kaya nanlaki ang mga mata nung driver na matanda (mga tipo ng driver na walang pinagkatandaan) na dahil akala niya eh babangga ako at alam niyang talo siya.

    Ang k*pal din ng mukha at nakuha pang tumingin at binagalan pa ang paglusot. Ang masama pa, hindi pala siya lilipat sa lane ng mga pabalik. Dun din siya sa way ko dadaan kaya lalo akong nabuwisit dahil kinain lang pala niya yung daan ko. Kasya naman siya dun sa isang lane lang dahil wala namang nakaharang at bukas yung gilid niya na iyon. Nailang lang pala ang loko.

    Haha... Nakakatawa talaga yung mukha nung driver...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Yup, delikado nga yung side street dyan sa may Earist. Madaming lumulusot ng biglaan sabay swerve sa flyover. Kaninang tanghali dalawang RAV4 na kasabay ko muntikan nang magsalpukan dun. Di kasi tumitingin from the other side, akala nila madaling ihinto ang sasakyan pababa ng tulay.

  3. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    22
    #3
    sana sinabihan mo yung driver.... PATAY KA! hehehe baka atakihin sa puso yun

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Bad trip nga diyan. Tigas ng mukha ng mga drayber. Kapag papunta ko kina Chieffy parati na lang may sumusulpot. Minsan nakakatamad na prenuhan. Sarap takutin. hehehehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    101
    #5
    may picture ka ba ng driver?

WJX 791 - Black Toyota Corolla