marami sa SCTEX at TPLEX sa inner lane palagi nakapwesto. misis ko ganyan din ginagawa nung bago pa nagmamaneho, ang rason niya nasa tamang speed naman daw siya. kako nakakaabala ka ng gustong lumampas so dapat keep right ka. lumipad daw sila kung gusto nila iba-iba intindi ng motorista sa ganyan.

sa probinsiya naman sa norte, like mcarthur highway and other major provincial roads ay nagawa na mga shoulders. ang luluwang na ng mga kalsada. pero mga tricycle o naka single na motor nasa inner lane pa rin magpatakbo. pwersado ka mag-overtake sa right kaya mataas ang chance na may aksidente. merong ibang municipalities naman na in-implement na yung mga tricycle at ibang slow moving vehicles sa right lang, which is good kasi mas mabilis daloy ng trapik.