New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3
    #1
    Pasay is home to plenty kotong Traffic Enforcers and this spots is one of their favorite tambayan. 1st: Andrews Avenue, sa dulong part sa may gate ng Air Force. Kung nasa Andrews Avenue ka papuntang Nichols at Skyway ay di mo sila makikita. Pag left turn mo sa dulo ay dun bubulaga sa iyo ang nagkumpulang enforcers. Huli ka sa kasong swerving. Ni wala kang makitang notice o signboard o kahit solid yellow line dun. Andun sila pag hindi traffic especially weekends pero kung rush hour gaya ng monday morning o friday evening na buhol buhol ang traffic ay ni hindi mo sila makita.
    2nd: Pasay Taft Edsa. Mag ingat dahil ang mga enforcer walang ibang tinitingnan kundi mga private vehicles kung naka seat belt ang driver at passenger. Wala silang pakialam sa mga jeep na illegal na nagsasakay at nagbababa along that area na nagdudulot ng traffic sa edsa extension.
    3rd: Sa Baclaran Church. Meron doong mallit na rotonda. Kung e-exit ka from Baclaran church to Roxas Blvd umikot sa inner line ng rotonda. Kung private vehicles ka huli ka sa counterflow, kung jeep ka wala kang huli.
    Yung may mga experiece pa dyan paki share na lang.

  2. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    7,765
    #2
    Maybe we should come up with a map with the location of all reports of the kotongcops' kotongtambayans


  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    938
    #3
    PM mo si MMDA sa Facebook, usually gumagawa sila ng reports tungkol diyan, o kaya sa metro solusyon.

    Although nareport ko na yan, nakita ko pa nag abot ng 50 pesos si manong jeepney driver sa pasay taft edsa.

  4. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,750
    #4
    Pasay police are the worst.

    All my apprehensions where I had to give money were from Pasay police (Pasay-Taft, Roxas-Baclaran and World Trade Center) and in 2 of the 3 places mentioned! Pasay Police even gave back my P300 because the amount was too small for their hassle (hinabol kasi nila ako ng motor) and I had to give P500. I knew I did not make a violation so I just went ahead when they tried to flag me down.

  5. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #5
    +1 AKO DYAN

    mga color blind ang mga yan, green plate lang ang naaninag nila.

    pag rush hour pumupwesto ang mga yan sa mga blind spot, pero pag traffic na hindi mo na mahahagilap.

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,750
    #6
    Pag umuulan din wala sila

  7. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9,431
    #7
    There was a time 3am na nandun parin sila

  8. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #8
    Sa kanto ng World Trade Center kung galing ka ng Macapagal at kakanan ka, huhulihin ka pag nasa 2nd lane ka tas kumanan ka sasabihin solid line daw. E burado na mga linya dun. Nung nahuli ako dyan kinulit ko lang hanggang sa pinakawalan na ako.

    Kaya ang lalaki ng tyan ng mga yan eh.

  9. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,750
    #9
    Quote Originally Posted by Chikselog View Post
    Sa kanto ng World Trade Center kung galing ka ng Macapagal at kakanan ka, huhulihin ka pag nasa 2nd lane ka tas kumanan ka sasabihin solid line daw. E burado na mga linya dun. Nung nahuli ako dyan kinulit ko lang hanggang sa pinakawalan na ako.

    Kaya ang lalaki ng tyan ng mga yan eh.
    Exactly where I was apprehended!!!! Tinakbuhan ko kasi alam ko naman na wala akong mali. Hinabol ako ng motor until Buendia Taft na ata! Tumigil na lang ako kasi baka akalain criminal kami kasi naka super dark tint talaga car ko, hindi kita mga passengers. Kasama ko pa naman Uncle and Auntie ko. Hindi makuha sa pakiusap kasi hinabol daw niya ako kaya yung gas daw nila pano na, I gave P300 sinoli, tinawagan pa yung boss niya, may sumunod na isa pang motor, so my Auntie gave P500 na.

    We came from dinner at MOA and drove around lang kasi my Uncle wanted to see what was new na sa area. Kaya ako hanggang maari hindi ako pupunta sa Pasay! Makati police mahigpit din pero nakukuha sa pakiusap unlike Pasay mukhang pera!

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #10
    Quote Originally Posted by crazy_boy View Post
    There was a time 3am na nandun parin sila
    Hinabol ako dati ng Pasay Traffic police ng around 2:30AM sa madilim na lugar. Hinabol ako ng motorsiklo. Akala ko holdaper kaya tinakbuhan ko.

    Nahabol lang ako sa stop light tas sinettle ng kasama namin. Di ka talaga magtataka kung bakit may nasasapak na mga ganyan.
    Last edited by A121; February 15th, 2013 at 10:34 AM.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

Kotong Pasay Traffic sa Andrews Avenue