New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 38
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    101
    #1
    Talaga naman oo, kahit gaano ko piliting kalmahin ang sarili ko talagang umuusok ang ilong ko. MOTOR Bike naka HID biglang bukas ng ilaw sa likod ko, aba eh kahit sa likod ko siya baka ma bangga ako dahil silaw ako sa kanya bigla, wala na ko makita sa sobrang glare. sa inis ko bigla akong nag full stop, disposable car naman yung dala ko that day e anu kung bumangga sya sa likod ko. nakaiwas sya sa akin. pag lampas niya sa kin pintay nya headlight niyang peste and continued driving without lights. Alam naman pala niyang peste ang headlight niya eh!!! so either super lakas ng light niya or walang light...ogag!!!

    Ang titigas ng ulo nyo!!!

    Same goes to all cager na pinipilit maging ala "BMW" ang headlight. Mag HID hindi naman naka projector housing, tapos sabog naman yung buga ng light kahit i-adjust nyo pa yan sabog parin yan!!!
    Traffic, everytime na naka HID pero mali naman ang setup ang sumusunod sa akin binabagalan ko yung takbo ko and kept on motioning na nakaka silaw ang ilaw niya. kung nag mamadali sya lalo lang syang matatagalan kung ako sinusundan niya. pag sobrang layo na ng distance ko sa sinusundan ko saka ako aarangkada para masingitan siya ng iba... :fire: magkakasala ako sa mga ito eh. invoking the bad side of me

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,772
    #2
    Most of the time I just slow down and let them pass or overtake. In rare instances, I let it get ahead of me and then I turn on my bright lights just to let them know that I do not appreciate the glare coming from their headlights. hehe.

    Isipin mo na lang hindi sila matalino kasi nagkakabit sila ng HID ng hindi pinapalitan ang housing (?). Ang mga kulang sa talino pinagpapasensiyahan

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,772
    #3
    Sana wag magalit yung mga may ganiyan na gawain. Nakakainis naman talaga eh. Siguro may mga matatalino ding gumagawa nun pero kulang sa budget? hehe

  4. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #4
    e kung kulang sa budget, wag trying hard di ba? buti sana kung sila lang ang maaksidente sa ginagawa nila. di nila naiisip na may madadamay na ibang tao sa ginagawa nila.

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    1,388
    #5
    yup me too... halos palaging merong nakakasalubong, nakakasabay, sinunsundan na mga HID na setup na mali o kulang. Nakaka-asar talaga sila. Sabugan sana kayo ng mga ilaw niyo!

  6. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,189
    #6
    hehe daming HID bike sa pasig grabe yun yung literal na sabog kahit saan ka pumuesto silaw ka e

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #7

    Pinapalagpas ko na lang ang mga iyan.... Mahirap pag may sumusunod na (mga) g*go sa iyo....

    5606:jazzysax:

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #8
    pwede ito ilipat sa motorcycle section para malaman ng mga prens natin na nagmomotor

  9. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    101
    #9
    sana mahabaan ko pa ang pasensya ko, ang dami ko coins sa car gusto ko ng mam bato ng coins sa mga headlight na ito.
    akala ko illegal na itong mga ito. dapat hindi na lang totally ibenta ito, hindi naman kailangang ganito kalakas.
    e paano kung mag HID lahat tayo tadtadin ko hanggang bubong
    ...this is a sick country.

  10. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,772
    #10
    Quote Originally Posted by tanoshi_637 View Post
    e paano kung mag HID lahat tayo tadtadin ko hanggang bubong...this is a sick country.
    rofl: that's a funny thought! hehehe. Bakit nga ba hindi gawing set yung pagbenta ng HID?

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #11
    andaming ganyan

  12. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #12
    Ang masaklap pa dyan, maraming tumatawid ng wala sa tamang lugar tapos yung incoming traffic malakas rin ang buga ng pseudo-HID's niya to the point hindi mo makita yung mga tumatawid kaya sobrang slow down ka dapat and you can't tell if they're intending to cross na or not dahil silhouette lang nakikita mo.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,211
    #13
    oa naman ng thread starter...
    pwede mo naman palampasin yung motor para di ka masilaw.
    paano mo nasabing "this is a sick country"?
    nung sa pag full stop mo, e sarili mo na lang ang inisip mo nung time na yun.
    e kung bumangga nga yung motor sa likod mo? dagdag aksidente pa.
    may last chance ka pa naman nun siguro para maggiveway sa ibang tao, para maka-iwas sa aksidente.
    bat di mo pa ginawa.

    naiintindihan ko naman na marami ngang nagkakabit ng HID na walang projector.
    pero sa tingin ko, mayron naman tayong sapat na kakahayan upang iwasan ang mga ganitong tao o motorista.

    peace!

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #14
    motorcycle? pwede pala kabitan ng HID ang mga motor?
    san nakalagay yung ballast nun?

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #15
    marami rin talaga ganyan ... yung walang magawa sa pera ... lalo pa ngang natutuwa kapag alam nilang nakakasilaw ang hid nila (hindi nasayang ang pera nila)

    iwasan na lang sila ... at ipagdasal :devil:

  16. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #16
    dagdag nyo pa yun hindi nag-aalign ng headlight! saka yun laging naka-bright sa gabi! kala ko ba kasama sa testing yun eye examination sa pagkuha ng license? ang dami kasing driver na malalabo mata kaya ganyan eh

  17. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #17
    iwas na lang or paunahin na lang natin.. madami talaga ngayon na motorcycles na naka hid na din..

  18. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #18
    Mods can we make this a sticky? :D

  19. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #19
    question lang.

    legal ba magpakabit ng HID? ang alam ko kase walang rule regarding HIDs.

    masakit naman talaga kase sa mata ang HID. kung ikaw yung naka HID at naka tint yung windsheild mo, shempre wala sa yo yun. kahit tapatan ka pa ng naka HID din, balewala din sa yo yun.

    ang tanong, naiisip ba nila na di lahat ng motorista ay naka tint? at di rin ba nila naiisip na may alignment din ang mga headlights para di direct na nakatutok sa view ng ibang makakasalubong sa daan?

    madali kase sabihin na "iwasan ang mga ganyan" kase di naman sa lahat ng panahon, makakaiwas ka.

    kaya nga meron standards na ginagamit eh. sana unahin lagi ang road safety bago ang porma.

  20. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    456
    #20
    IMHO, HID bagay sa projector types na naka properly aligned.
    Since wala namang rules ang MMDA o any traffic agency, sana lang tama ang tutok ng mga naka reflector types.
    Kaso madami pa ring hindi e. Madaling pagbigyan kung nakakasilaw sa likod, pero pano kung traffic jam at hindi ka makalipat ng lane tapos yung naka HID sa likuran mo sabog ang tutok. Adjust ng rear view mirror ang sulution ko jan.
    Motor na naka HID halos lahat nakakasilaw talaga.
    Habaan pa natin pasensya guys, maliit na inconvenience lang naman yan. Kesa road rage w/c is stressful imho.

Page 1 of 2 12 LastLast
pa HID HID pa, stock naman yung Headlight Housing, hindi projector