Nakakabanas akala mo kung sinong hari ng daan. Dark Green Trooper 4x4 at maroon L300 VV ito.

Putcha tinutulak ba naman ng driver ng L300 ang passenger side window ko sa traffic! Ano akala niya si Superman siya na kaya niya iusog buong rig ko? Sa sobrang inis ko inipit ko lalo kamay ng mokong (balik sa loob ng L300 tuloy). Hehehe.

Zig-zag zig-zag pa magmaneho hindi naman makauna (nasa isang lane lang ako). Laking perwisyo sa ibang motorista. Nauna pa kong nakarating sa village (we live in the same village). Ni wala akong wang-wang at mga goons.

Buti pa yung ibang kapitbahay kong politico like Noli de Castro and Juan Flavier, walang mga ganyang goons and friendly ang mga security nila. Masahol pa yung mga ibang Congressmen dito sa area namin kung mag-power trip. Kala mo kung sino. Pati mga anak lunod sa kapangyarihan (mga totoy lang naman). Sarap hagisan ng granada ang bahay.