New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    954
    #1
    Guys may online site ba ng philippine road rules para sa mga student, non pro, pro and road signs and yung mga bawal sa daan... kunwari mga stop light and yellow lanes something like that.

    may problem kasi ang both frens ko ngayon...nagbanggaan sa loob ng clark air base sa first stop light malapit sa PTT gasoline station...

    yung fren ko na naka student license nasa fast lane (girl) [80km/hr speed] and yung isa kung fren non pro (boy) nasa right lane slow moving on 60km/hr....

    yung si student hinahabol yung green light sa fast lane ...kaya lang pagdating sa malapit sa traffic light...nag sudden stop sya kasi nakita nya na biglang nag yellow/orange light....and itong fren ko na boy nasa likod na pala sya...kasi may mga orange pylons sa right side ang daan talaga magiging one lane.

    pagka sudden stop nila naka buntot na si boy kasi alam nya lalampasan na yung traffic light...kaya lang dahil sa sudden stop..nabangga nya sa bumper sa likod yung student...pero naliko nya pa sa right side...kaya lang sabit yung ilaw...nung boy...

    ngayon ang sabi ng girl (student) nataranta daw sya pag ka kita sa yellow light kaya nag slam sya ng breaks and nag stop sya...pagka stop nya lumampas na sa white line ng traffic light...

    pagdating sa work place namin nag bayad si girl kay boy ng 2k kasi sa damage na euro lights ng crolla ng boy...the girl is using a lancer singkit...

    paguwi ni girl sa kanila, sabi ng bf nya dapat di nag bayad si girl kasi naka buntot si guy and parehas sila na may bangga..kasi pati si boy hinabol din yung green light..ngayon kinukuha nila ulet yung 2k...ang side nila sabi pag nag yellow lane dapat mag iistop na kaya lang naka stop na yung girl sa gitna ng intersection lampas sa white lane.

    naguguluhan na ako naiipit ako parehas ko silang fren...

    diba po bawal mag drive ang student license na nag iisa? kung walang kasamang pro or non pro? gusto ko sana pakita sa girl yung info about this...kasi sabi ng bf ng girl pwede daw mag drive mag isa yung student....sabi ko naman edi sana lahat ng tao naka student license nalang mura mura pa



    Mods sorry di ko alam kung saan ko po post to...paki move nalang sa right forum...tnx

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #2
    Eto po ang aking masasabi sa naturang insidente na nangyari sa iyong mga kaibigan. (Paki-correct na lamang po ako kung may mali akong nasabi..)

    1. Unang-una, hindi dapat nagmamaneho ng mag-isa ang isang STUDENT LICENSED DRIVER na may STUDENT DRIVING PERMIT lamang. Saan naman napulot ni BF ng girl na pwede magmaneho si STUDENT PERMIT. Kailangan ay may kasama syang PROFESSIONAL o Non-Pro Licensed DRIVER upang ma-guide sya sa kanyang pagmamaneho dahil nag-aaral pa lamang sya. Sa paglabag ng alituntunin na ito ay may sabit na sya, LTO Violation 9 - A student driver operating motor vehicle w/o being accompanied by a licensed driver with a penalty of P200, dapat syang hulihin at pagbayarin ng multa. Ginawa ang rule na ito upang maiwasan ang mga aksidente sa daan katulad ng nangyari sa mga kaibigan mo. Kung hindi sya nagmaneho ng mag-isa, hindi nangyari ang lahat ng ito.

    2. Nasa fast lane si Girl? Bakit mayroon ba syang kotse na kailangan i-overtake? Ano ang allowable maximum speed sa loob ng Clark, 60 or 80 kph? Kung nakita nya man ang mga PYLONS na nakaharang sa left side hindi pa rin nararapat na magpatakbo sya ng ganoon kabilis. Kung alam nya ang mga alituntunin, dapat ay nag-bawas na sya ng bilis upang ma-check nya ang intersection kung mayroong ding mga sasakyan malapit sa intersection at para ma-i-ready ang sasakyan kung kailangan mag-stop pag biglang nagbago ang ilaw sa Traffic light.

    3. Nakapag-stop nga si girl, pero hindi sa tamang oras at sa tamang lugar. Dapat ay malayo pa lang ay nakapagbawas na sya ng bilis ng takbo para itigil ang sasakyan. Nataranta si GIRL..?? Ibig sabihin hindi pa sya handa kumuha ng NON-Pro License, Kailangan nya pa ng karagdagang oras para sa pag-aaral at pagpractice ng pagmamaneho. Lumpas sa white lane si girl? Ibig sabihin ay sa loob na sya ng Yellow Box o Intersection tumigil? May sabit na naman, Blocking an Intersection at Failure to come to a complete stop on a through highway or stop intersection, P150.

    4. Tama lamang ang ginawa ng girl na magbayad ng damage fees upang maiwasan ang iba pang asunto laban kay boy. Pasalamat sya at walang nasaktan sa pangyayari, hindi sya nahuli ng Traffic Personnels at hindi na umabot sa mga authority ang incidente. Kundi, anlaki ng babayaran nya. Mabuti at hindi sa SUBIC nangyari ito..kundi patay-patay pa sya ngayon.

    5. Side comment..bakit may PYLONS sa gitna ng Hi-way INTERSECTION? Road Obstruction iyon na pwedeng magresulta sa isang aksidente. Anlabo..mayroon bang mga sapat na warning signs bago umabot sa naturang intersection?

    Yun lang po at sana ay nakatulong ako. Pangaralan mo na lang ung girl..kasalanan nya lahat.

    Nagmamahal,
    Kiper.

  3. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    9,934
    #3
    That's why it's called a Student Permit for Student Drivers, they need a Teacher with license.

    The Boy also has a slight fault since he was probably tailgating the girl. But overall, it's the girl who gets most of the faults.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #4
    Pareho sila MALI...

    consideration nalang sana sa part ng Boy masyado naman sya eh mali din naman sya at saka sya ang bumangga...

    what if nag ka engine problem yung girl at kung naka Pro na License sya... anong reason sasabihin nya bakit nya na bangga

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    954
    #5
    thank u thank u kiper, haha automatic naka send na tong thread na to sa kanila... buti pa yata sabihin ko sa kanila na mag member ng tsikot para malaman nila yung do's and dont's

    hehehe :D

    Walter and Sir Nightrock thanks :D

    Kiper: about the number 5 question, eto pa ang nakakabusit pag minsan nandyan yung mga PYLONS pag misan nawawala...kami pa naman 5 in the morning nag bibiyahe na (madilim), pag malayo ka kasi about 500 meters di mo nakikita yung mga pylons, magugulat ka nalang na dapat pala nasa left lane ka......rrrrrrrrrrrr #*!#%! kaya minsan nag gigitgitan sa left most lane ang mga sasakyan

    again

    THANK U VERY MUCH TO ALL!! :D

    big help po to

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #6
    Originally posted by NightRock
    Pareho sila MALI...

    consideration nalang sana sa part ng Boy masyado naman sya eh mali din naman sya at saka sya ang bumangga...

    what if nag ka engine problem yung girl at kung naka Pro na License sya... anong reason sasabihin nya bakit nya na bangga
    Hindi naman babangga si Boy kung wala si Girl on the first place. Wala nga syang AUTHORIZED LICENSE para magmaneho ng mag-isa, remember she is still a student driver tapos ganun na agad umasta. Kung nasa states yan, hindi na sya makakuha ng lisensya malamang.

    Kung nagkaroon ng engine problem, kasalanan pa rin ni Girl dahil una, wala syang LICENSE to drive na mag-isa. Pangalawa..ang nabanggit na insidente ni Jeep eh wala ngang Non-Pro or Pro License itong si girl so no need for any other assumptions.. Paulit-ulit yata ako ah..

    Eto ang nangyayari kapag hindi tayo marunong sumunod sa BATAS. Isa kasi sa Main Concern ng Government kaya gumawa sila ng batas ay para sa ating SAFETY na rin, kasam na dito ung PEACE & ORDER. Kung sumunod lang si Girl sa simpleng traffic rules sa una palang eh naiwasan nya na ung aksidente. You can call it an experience for her but a very bad experience nonetheless. Sana matuto na sya ngayon.

    Peace guys. Sana nakatulong ako kahit paano.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    848
    #7
    imo both are at fault.. mas malaki lang kasalanan nung girl..

    -she shouldnt be driving without a licensed person accompanying her

    however.. the guy... is also at fault.. this is where tailgating is really used.. paano kung lisensyado yung nagmamaneho sa harap... at naisip nya nga na huminto na lang sya... as a motorist driving at a back of another motorist.. you should keep good distance for you to be able to react and stop well within good distance from the car in front of you.. especially in emergency cases. This is what i call an aggressive driver as compared to a defensive driver.. a defensive driver wouldnt think na since lagpas na yung kotse sa harap.. didiretso na yun.. kaya tututok na lang sya... in fact.. a defensive driver would always be cautious of what the driver in front of him would do....

    ika nga.. "distancia lang amigo"... "wag tutok kung ayaw mo suntok".. let's keep a good distance from the car in front of us. you'll never know the state of mind the driver is in.. at least kung medyo malayo ka.. malaki pa ang chances mo makareact and do an evasive maneuver...

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    16
    #8
    c Jeepcruizerph me kasalanan...dapat kase sinakay nya nalang yung gurl...para ende na sya mag drive...lol joke lang papy :D

    na sermun tuluy si palaka ke horny boy...lol

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #9
    hinde pwede ang naka student magdrive...

    hmmm.. pagka ganyan naman.. un likod may kasalanan... sa alam ko ha? hehehehe

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,211
    #10
    ganyan talaga pag mejo sabik pa ang paa mo sa silinyador

Page 1 of 2 12 LastLast
PH Road Rules and Regulation site? (Student vs Non Pro)