pasintabi po sa mga mapanatang katoliko pero kailangan ko lang ilabas ito.last thursday night eksaktong 8 pm ng gabi ay nagkayayaan kami ng asawa't anak ko na lumabas sa aming subdivision at mag drive thru sa isang fastfood para sa aming snack bago manood ng dvds. eksakto papalabas kami ng gate ng subdivision ng makita namin ang sobrang kapal ng tao from tikling papaakyat ng antipolo proper. wahhhh ang kapal ng tao at di talaga kami makalabas kc lahat ng tao ay papaakyat ng antipolo. imagine nyo buong kalyeng punong puno ng taong papaakyat at pati bangketa ay di mahulugang karayom sa dami ng tao
. dahil doon ay napabalik kami ng di oras sa bahay. pero ang punto ko ay eto...papaano kung may isang emergency at kailangang madala agad sa ospital? papaano cya i ta-travel palabas ng ortigas ave.extention? helicopter? kc helicopter lang ang pwedeng gamitin, maliban na lang kung sagasaan mo lahat ng taong papasalubong sa yo. di ko naman kinakalaban ang paniniwala ng isang katoliko kc maging ako at pamilya ko ay solidong katoliko din. pero, talagang may mga bagay na ipinagdiriwang ng mga katoliko na medyo nagiging sagabal sa kalayaan at katahimikan ng iba. oo na nga at isang gabi lang yun pero papaano kung isa sa pamilya mo ang kailangang lapatan ng lunas sa ospital? halimbawa anak mo? manganganak ang misis mo at lumabas na ang waterbag? inatake ng hika ang anak mo? nakalunon ng daga ang aso mo
at kailangang dalhin agad sa beterinaryo? yun lang naman ang nais ng isang amang gaya ko. salamat po.




last thursday night eksaktong 8 pm ng gabi ay nagkayayaan kami ng asawa't anak ko na lumabas sa aming subdivision at mag drive thru sa isang fastfood para sa aming snack bago manood ng dvds. eksakto papalabas kami ng gate ng subdivision ng makita namin ang sobrang kapal ng tao from tikling papaakyat ng antipolo proper. wahhhh ang kapal ng tao at di talaga kami makalabas kc lahat ng tao ay papaakyat ng antipolo. imagine nyo buong kalyeng punong puno ng taong papaakyat at pati bangketa ay di mahulugang karayom sa dami ng tao
at kailangang dalhin agad sa beterinaryo? yun lang naman ang nais ng isang amang gaya ko. salamat po.
Reply With Quote
