New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    250
    #1
    Hi Guys!

    Last Friday, naaksidente ang messenger namin sa Sta. Mesa area.

    May nadaanang malaking pothole ang messenger namin na nagmamaneho ng motor. Lumubog ang gulong sa harapan at sumipa ang likod, kaya tumilapon yung messenger namin. Disoriented daw siya for around 5 minutes. Nung nagising na siya totally, nagulat nalang siya at nakita na may isang lalaking nagtayo at humila ng motor papalayo sa kanya. Bumangon agad messenger namin at hinabol ang ogags na bystander-turned-magnanakaw. Nung nahabol niya, binitawan ulit ang motor at itinumba nalang.

    Nakakainis talaga ang bystander na yun. Imbis na tulungan nalang ang messenger namin, naisipan pang nakawin ang motor. Good thing lang talaga na hindi umandar agad yung motor kundi, ninakaw na yun nang tuluyan.

    Bilang nalang talaga ang mga good samaritan.

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #2
    Napakarami talagang ogag

    Naalala ko na naman yung ginawa din sa nahulog na bus isang bata lang nakaligtas, yung mga kapitbahay namin ninakawan pa yung mga patay kahit duguang bigas hindi rin pinatawad.

  3. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    1,351
    #3
    Quote Originally Posted by kpy555 View Post
    Hi Guys!

    Last Friday, naaksidente ang messenger namin sa Sta. Mesa area.

    May nadaanang malaking pothole ang messenger namin na nagmamaneho ng motor. Lumubog ang gulong sa harapan at sumipa ang likod, kaya tumilapon yung messenger namin. Disoriented daw siya for around 5 minutes. Nung nagising na siya totally, nagulat nalang siya at nakita na may isang lalaking nagtayo at humila ng motor papalayo sa kanya. Bumangon agad messenger namin at hinabol ang ogags na bystander-turned-magnanakaw. Nung nahabol niya, binitawan ulit ang motor at itinumba nalang.

    Nakakainis talaga ang bystander na yun. Imbis na tulungan nalang ang messenger namin, naisipan pang nakawin ang motor. Good thing lang talaga na hindi umandar agad yung motor kundi, ninakaw na yun nang tuluyan.

    Bilang nalang talaga ang mga good samaritan.
    Yan ang isa sa masakit sa naaksidente sa daan! Common yan sa mga provincial roads. Meron kunyari tutulong pero iba pala ang pakay ang mga hin*yup*k!

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #4
    Actuaslly, medyo masuwerte pa yung messenger mo kasi motor yung napagtripan. I've personally witnessed incidents na ultimo pati medyas at sapatos ng unconscious victim ay ninanakaw.

    Mahirap kasing mag-implement dito ng Good Samaritan Law like the one they have in France.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    i remember this story long time ago before na naaksidente just after the balintawak toll gate. isang pamilya, duguan ang wife, bali ang buto ng husband driver, tapos their 2 children unconscious

    naglabasan daw yun mga squatter sa tabi-tabi, akala mo tutulong, pero ang ginawa kinuha ang wallet nila, bag, stereo, at saka anything na makukuha from the car. may namatay ata isa sa pamilyang yun

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #6
    Grabe, those people ought to have all their underarm hair pulled out -- manually. Pero I haven't lost hope. A long time ago, 2 of my sisters were in a very severe accident and one was semi-conscious. A good samaritan passer-by driver was good enough to take her to the hospital, whereupon he left without asking for anything in return. Buti na lang nahanap namin siya at nabigyan ng gantimpala. Sana dumami pa ang lahi niya. Teka, baka tsikoteer na yun ah?!

  7. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    402
    #7
    Quote Originally Posted by kpy555 View Post
    Hi Guys!

    Last Friday, naaksidente ang messenger namin sa Sta. Mesa area.

    May nadaanang malaking pothole ang messenger namin na nagmamaneho ng motor. Lumubog ang gulong sa harapan at sumipa ang likod, kaya tumilapon yung messenger namin. Disoriented daw siya for around 5 minutes. Nung nagising na siya totally, nagulat nalang siya at nakita na may isang lalaking nagtayo at humila ng motor papalayo sa kanya. Bumangon agad messenger namin at hinabol ang ogags na bystander-turned-magnanakaw. Nung nahabol niya, binitawan ulit ang motor at itinumba nalang.

    Nakakainis talaga ang bystander na yun. Imbis na tulungan nalang ang messenger namin, naisipan pang nakawin ang motor. Good thing lang talaga na hindi umandar agad yung motor kundi, ninakaw na yun nang tuluyan.

    Bilang nalang talaga ang mga good samaritan.

    Ganyan kahirap ang buhay ngayon dyan sa atin,ang iba pumapatay para lang mabuhay...eto, radio cassete dati nahulog habang naka-play, hindi man lang sumayad sa lupa at nawala bigla

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #8
    nakakapang hina ang mga ganyang scenario.diko lang lubos maisip bakit nasisikmura nila ang ganong pagsasamantala

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #9
    May kamaganak akong na-aksidente sa highway, pasahero siya ng bus. May mga kasama siyang namatay, siya naman duguan sa sahig at hindi makakilos. Isa dun sa mga (taga-barrio na) magnanakaw na pumasok sa bus, pilit na kinukuha bag niya. Buti na lang nakuha niyang magsalita ... "demonyo ka, BUHAY PA AKO!"

    Ayun, tumigil naman nung nagulat. Pero lumipat naman sa iba at yun naman ang ninakawan.

  10. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #10
    Ganyan pala nangyayari pag may accident. imbis tulungan, ginugulangan.

    Dati nung nagdrive ako mga gabi na, yung isang babae naglalakad na hawak celfone eh bigla kinuha ng isang lalake naglalakad din. Hindi nga tumakbo yung lalake. Relax na relax kinuha celfone.

    Question: Pag sinagasaan ko yung magnanakaw eh wala ikakaso sa akin dahil magnanakaw sya di ba?

    So next time na maka-encounter ako ganyan na na-aksidente tapos nanakawan yung sasakyan parang ang sarap sagasaan ah.

Page 1 of 2 12 LastLast
Kung May Pagkakataon Nga Naman