New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 27
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #1
    ...Good day guys! ... manghihingi lang ako ng tulong o kasagutan sa problema ko...

    This happens last Saturday May 10, 2008 ... arount 4-5pm... matrapik at makipot ang daan sa lugar na dinaanan ko .. may mga ginagawa pang daan tapos medyo umaambon nun....

    Easy going na akong pauwi paliko na ako sa kanto pakanan pasok na buong katawan ng sasakyan na dala ko biglang may sumambulat sa harap namin ng isang malaking truck! at sa di inaasahang pagkakataon may ginagawa pala ang Maynilad doon kaya di ako nakasingit o nakaabante...

    So ginawa ng isang taga Maynilad pinaatras ako .. din nung nakaatras na ako at nakahinto na laking gulat ko sinigawan na naman ako .. sabi .. atras mo pa... san ko iaatras? sabay sagot ng.. don doon sa dulo.. (nak ng putakte ano gusto niya mangyari bumalik ako sa pinanggalingan ko?) pag atras ko (inaalalayan ako pati mga tanod na nung panahon ng pagliko ko ehh wala man lang nagtratrapik) pinagsisigawan nalang ako abante mo! abante mo! may naipit sa likuran mo! di ako naman nataranta kasi sinisigawan na ako na parang nakapatay ako! sa taranta naka-reverse pa pala ako so pag apak ko sa accelerator napaatras pa ako...

    Ngayon heto na ang kwento ... mga tanod tanong agad asan lisensya mo? heto po.. sabay kuha agad at wala man lang ginawang report o ano ... tanong pa nga nung isa bago ka lang ba nagdridrive? opo bago lang po.. pero sagot pa naman bago lang pala ehh dapat di ka lumalabas... asus ginoo paano ako matututo kung sa bakuran nalang o garahe nalang ako? tapos heto pa asan daw rehistro at susi ng sasakyan na dala ko ... sabi ko heto po at yung rehistro nasa sasakyan po.. sabi kunin mo kunin mo at ibigay mo sa amin... may dumating na pulis sabi ibigay mo nalang para di na lumala kaso mo si ako naman engot bigay din agad tapos.. sabi yung si ate daw dalhin na daw agad sa ospital sabi ko teka lang po antayin ko tyuhin ko sabi wag nalang daw at baka kung mapaano pa yung babae di sige pumayag ako pero nakita ko yung mga tanod at pulis nagbubulungan na.

    Heto pagdating sa Banaue ortho di yung ate at kapatid niya pumasok pa x-ray ako nagbayad pati gamot pero nagkulang ako ng lima kasi wala nga kaming pera ng time na yun.. sabi sa barangay nalang daw pagbalik... at me check up pa naman si ate sa May 16, 2008 which is today... pagdating sa barangay nagpablotter na tito ko at permado ni kap pero antimano ayaw nilang tanggapin na kinabukasan nalang 10am magkikita ulet kasi daw keso sila ang nagrereklamo at may mga tanod pa naman daw na saksi sa mapagkakasunduan namin since iniipit kame pumayag ako sa kasunduan na babayaran ko nalang arawan niya which is 6days starting nung Sunday - Friday ... kinabukasan nagpasama ako sa tiyuhin ko dahil sabi ko gusto ko na aregluhin pagkapunta naman namin sabi kong ano daw napagkasunduan sa barangay ng gabing yun yun nalang daw ang sundin ehh di bigay nalang kame ng 1500 para sa gastos since di daw sya makapasok sa trabaho...

    Ngayon heto na problema nag text samin ngayon na kuya kagagling ko lang po sa ospital sabi ng doktor anonther 7 days na naman po ang kelangan kong ipahinga at meron na naman po akong gamot na nabili .... mas malaki na po ngayon ang babayaran niyo... sa ganong text o sabi nakakaamoy na akong peperahan na ako nitong taong to...

    Ano po ba dapat kong gawin? at bakit pilit niyang sinasabi na kung di DAHIL SA PAGKAKAIPIT ninyo sa akin di sana magkakaganito at kung MAWALAN daw sya ng trabaho mas malaki pa daw magagastos namin? ... tanong lang po kung hayaan ko nalang po ba sya kasi katwiran ko nagawa ko naman dapat kung gawin at kung dalhin niya sa korte me laban po ba ako?

    ISA PA PO YUNG TRICYCLE PASO REHISTRO!
    Last edited by xmb; May 16th, 2008 at 02:26 PM. Reason: mali espeling

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #2
    gusto ko sanang sagutin pero hinde ko maintindihan ang kwento mo...

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    84
    #3
    just wanna share my experience nung nakabundol ako 7 years ago. it happened sa may libis. yung nabundol ko fresh from the province. so pagbaba nya ng jeep, takbo agad para matawid ang c5. we were running at 30-40kph at laking gulat ko ng bigla na lang sya lumabas sa harapan ko.

    dinala ko sya sa old medical city, which was wrong. anlaki ng gastos ko, tapos dapat pala sa government hospital yun. so i brought her to quirino hospital. whatever kelangan nya na meds and payment for diagnostics i paid. then i asked the doctor kung hangan kailan ang sustento ko. sabi nya, they just need to proove na no lasting injury from the collision. so kung may bugbug man sa katawan and wala naman fracture, yun lang. and whatever treatment lang prescribed by the government doctor, yun lang. so kung magpaPT sya, hindi ko na sagot yun. after that, the government hospital issued a medical certificate na ok na yung patient. that in itself should free me from further claims. pero lately, uso na rin ang quit claim. so papirmahin mo sila nun after the medical cert. sana makatulong.

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #4
    parang di ko din gets sir pero para saken konsulta mo sa abogado mo kung wala kuha ka sa munispyo nyo??

    kung matigas talaga si tulfo kausapin mo pero antayin pa din natin ibang tsikoters

  5. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    250
    #5
    Medyo magulo nga pare kuwento mo. Mas ok kung sabihin mo na mag file na lang sila ng case tsaka mo dun ayusin sa fiscal kasi yun sister ko ganyan din ang nangyari panay hingi ng pera yun nabanga niya sa edsa eh lasing pa. Pinag file namin ng case eh di tapos agad dahil areglo din sila. hindi ka titgilan kaka hingi ng pera niyan kahitok na sila.

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #6
    medyo naguluhan ako sa kwento mo but anyway gaano sa tingin mo kabilis yung pagatras mo? kung sakali nga nabangga mo yung babae at napilayan, dinala nyo sa ortho nakita mo ba mismo ang med exam sa babae eg. xray doctors prescription? nandun ka ba nung nagpa-check up? maaari kasing niloloko ka lang kung walang silang pinapakita na medical report o prescription na galing sa doctor ng ortho. Kung ako sa iyo magsama ka na ng abugado kung sa tingin mo ay nakakaamoy ka na ng kalokohan.

    isa pa involve ba yung tricycle sa aksidente?

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #7
    ganun ba? as is lahat sinagot mo? ako kasi nakaka 2k na pero wala naman talaga ni pasa nung time na pagbalik namin kinabukasan ehhh.. sa akin kasi baka namemera lang... sa tingin niyo po ba 7 days di pa sapat para sa isang bugbog na binti? ni galos wala ... ano ba ito! at another seven days na naman at mga gamot? lalaki lang babayaran ko!

  8. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    250
    #8
    Perahan ka talaga pag ganyan.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #9
    make her sign something na pag binigay mo yun pera wala na siya hahabulin....and doon naman sa additional week, meron ba siyang medical certificate na kailangan pa ng 1 week to recuperate?

    kung meron man give her the money then papirmahin mo ng quit claims or something basta dapat black and white para meron eveidensiya...
    Last edited by shadow; May 16th, 2008 at 03:15 PM.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #10
    yun lang kasi nagpa checkup nga kanina sabi daw need more 7 days .... yun ang kaduda duda! pwede sila magsabwatan ng doctor niyan ehhh o artehan niya lang ang doktor.. kainis talaga! ano ba kung papapbayaan ko nalang ba at magsampa sya sa korte ano lagay ko? talo o panalo? sa tingin niyo didinggin ba ng korte ang mga gantong klaseng kaso? tnx

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #11
    una sa lahat, dapat lahat may resibo ka. that includes yung binayaran mo sa ortho (x-ray, medicines, doctor's fees, etc.) and yung binigay mo dun sa babae na compensation sa injuries nya.

    2nd, meron ka TPL insurance di ba. lahat ng vehicles ngayon di mo marerehistro pag walang TPL. pa-xerox mo un policy mo, then bigyan mo copy yung babae. sabihin mo sa kanya na insurance na bahala sa kanya at dun na siya maningil.

  12. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #12
    ganun ba? kahit di sa akin yung sasakyan? kahit di nakapangalan sa akin!

  13. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #13
    di naman ako mabilis sa pag atras kasi nung unang atras ko huminto na ako hinintay ko nalang yung paglabas ng truck para makaabante na rin ako! pero dahil sa isang trabahador ng maynilad na nagpaatras sa akin yun na nangyari ang lahat... isa pa yun ngang tricycle driver na sinakyan niya ehh paso daw ang rehistro kasi sya mismo di na naghabla ng kaso sa akin.. di ba dapat pati sya magrereklamo kaso biglaan nalang syang nawalan.. di ba dapat sagutin niya pasahero niya ..

  14. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #14
    Quote Originally Posted by Esnie.com View Post
    medyo naguluhan ako sa kwento mo but anyway gaano sa tingin mo kabilis yung pagatras mo? kung sakali nga nabangga mo yung babae at napilayan, dinala nyo sa ortho nakita mo ba mismo ang med exam sa babae eg. xray doctors prescription? nandun ka ba nung nagpa-check up? maaari kasing niloloko ka lang kung walang silang pinapakita na medical report o prescription na galing sa doctor ng ortho. Kung ako sa iyo magsama ka na ng abugado kung sa tingin mo ay nakakaamoy ka na ng kalokohan.

    isa pa involve ba yung tricycle sa aksidente?
    di naman ako mabilis sa pag atras kasi nung unang atras ko huminto na ako hinintay ko nalang yung paglabas ng truck para makaabante na rin ako! pero dahil sa isang trabahador ng maynilad na nagpaatras sa akin yun na nangyari ang lahat... isa pa yun ngang tricycle driver na sinakyan niya ehh paso daw ang rehistro kasi sya mismo di na naghabla ng kaso sa akin.. di ba dapat pati sya magrereklamo kaso biglaan nalang syang nawalan.. di ba dapat sagutin niya pasahero niya ..

  15. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,725
    #15
    medyo magulo kwento po ninyo... i assume na nakababa na ng tricycle yung babae na naatrasan mo or nakasakay sya sa likod ng tricycle tama ba??

    lesson learned: wag ka atras ng atras at aasa sa mga barker na nag papatras sayo.. hayaan mo sila ang maabala.. always make sure na clear ang likod before reversing..also ingat din sa AUTOMATIC transmission (yan malamang gamit mo) lalo na pag reverse...

    well kung magsasampa ng kaso yang babae na naatrasan mo eh malamang na matalo ka nga kung hindi mo mapapatunayan na inasikaso mo sya.. HUMAN being kasi yan TAO mas matimbang yan sa korte.. like nung sa ULTRA Stampede asikaso nila pati mga kamag anak nung mga namatay...

    dapat dun pa lang sa ospital eh sinigurado mo na ok na yung pasyente at humingi ka ng certification sa doktor..

    at kung ok na pasyente dapat may quit claim kayo na ok na sya at hindi na sya mag hahabol sayo..

  16. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    393
    #16
    Quote Originally Posted by yapoy86 View Post
    medyo magulo kwento po ninyo... i assume na nakababa na ng tricycle yung babae na naatrasan mo or nakasakay sya sa likod ng tricycle tama ba??

    lesson learned: wag ka atras ng atras at aasa sa mga barker na nag papatras sayo.. hayaan mo sila ang maabala.. always make sure na clear ang likod before reversing..also ingat din sa AUTOMATIC transmission (yan malamang gamit mo) lalo na pag reverse...

    well kung magsasampa ng kaso yang babae na naatrasan mo eh malamang na matalo ka nga kung hindi mo mapapatunayan na inasikaso mo sya.. HUMAN being kasi yan TAO mas matimbang yan sa korte.. like nung sa ULTRA Stampede asikaso nila pati mga kamag anak nung mga namatay...

    dapat dun pa lang sa ospital eh sinigurado mo na ok na yung pasyente at humingi ka ng certification sa doktor..

    at kung ok na pasyente dapat may quit claim kayo na ok na sya at hindi na sya mag hahabol sayo..
    naka backride yung babae sa trcycle di pa nakakababa at manual gamit ko! nagpunta kame sa ortho sinamahan ko! sinagot ko pambayad sa x-ray pati narin sa gamot ...
    nag settle nga kame sa barangay na willing naman ako magbayad ng arawan niya kung di pa sya makakapasok pansamantala pero ang problema pagbalik niya today .. 7 days mula ng maatrasan ko na check up ng doctor may medical cert tapos 7 days pa daw sya magpapahinga! which is another 1week na naman na babayaran ko! yun ang nakakainis ehh pwede rin siguro niya artehan ang doktor at pa extend na gawing 7 days pang di sya pwede pumasok .. sa tingin ko kasi gusto lang akong pagkakitaan... 14days sarap buhay nasa bahay kahit walang gaanong tama bugbog lang ni wla ngang maga tapos papasahurin ko pa sya...

  17. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    86
    #17
    naka backride siya sa tricycle? naipit ba ang binti nung babae? ibig sabihin nung maatrasan mo yung tricycle is nakaharap yung tricycle sa right mo. Eh dapat ikaw ang nagalit dun sa tricycle kung bakit siya naka ganun dun sa likod mo eh...


  18. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #18
    sir TS, medyo magulo ang kwento niyo..

  19. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    502
    #19
    nakaaksidente na ren ako dati...dapat ang ginawa nyo bago nyo binigay yung 1500, kung ito na yung napagkasunduan, nagpagawa ka ng affidavit na tapos na ang usapan at wala ka ng pananagutan after ng day na yon kung may iba pang mangyari sa biktima...signed mo at ng biktima at ng tanod as witness...kasi most likely pag kakaperahan ka nyan...

    just my 2 cents

  20. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #20
    Medyo taranta nga ka parin nong isinulat mo ito pero I think nakuha ko ang ibig mong sabihin.

    Ang tanong, noong una kayong nagkaayos meron ka bang pinapirma sa kanya na papel na yong problema ninyong dalawa ay na settle dahil binayaran mo siya ng pain and suffering and a lost wages? Ngayon, alam na natin na pera lang ang habol, and not worthed kung magpaimbistiga kapa ng credibilty niya dahil lalaki lang ang gastos. Matalo mo man siya gastos pa rin yan, bayaran mo nalang pero this time papirmahin mo na siya na your off the hook.

Page 1 of 2 12 LastLast
Aksidenteng Nakaatras! Tulong Nama!